CHAPTER FORTY KATELYN NAGING mabilis ang paglipas ng mga linggo. Hindi ko inaasahan na bukod pala sa pagde-design ay kaya ko pang magtrabaho ng iba. Noong una, nang simulan kong i-handle ang shares ni Tito Allan sa firm business ni Mr. Garcia ay talagang nangangapa pa ako. Hirap akong magtrabaho dahil hindi pa ako sigurado sa ginagawa ko, pero patagal nang patagal ay mas naging focus ako roon at hindi ko namalayan na gusto ko na ang ginagawa ko. I'm good at suggesting, checking all the database, pero ang pinaka naging magaling ako ay sa pag-aasikaso sa mga empleyado, kaya naman hinayaan ako nina Mr. Garcia na roon ako mag-focus tutal daw ay wala pa naman kaming HR. The business started with a craft. May iilang empleyado pa lang pero hirap pang kumuha ng mga project, dahil iyong ibang m

