CHAPTER FORTY ONE KATELYN PARANG awang-awa si Cindy na napapailing habang kinukuwento ko sa kaniya ang nangyari noong linggo, nang malaman namin na nawawala si Kuya Chris dahil sa explosion na naganap. Nakilala ni Cindy si Kuya Chris at nabaitan siya rito, kaya naman talagang nag-aalala siya sa maaring nangyari kay Kuya Chris. Unfortunately ay hindi pa namin kaagad malaman kung ano nang balita dahil wala naman kaming communications sa mga taong nasa island. Umaasa lang kami sa isa pang sulat na hindi namin alam kung kailan darating, o kung may darating pa nga ba. Bukod kay Kuya Chris ay naaawa rin ako sa daddy nito at kay Kuya Jake. Dama ko ang lungkot nila at pag-aalala. Muntik pa ngang hindi makaalis si Jake noong isang araw dahil hindi niya maiwan ang malungkot na ama, pero wala siy

