CHAPTER FORTY TWO KATELYN "I don't get it! Why does he have to break up with you?!" halos guluhin ni Cindy ang buhok niya habang naglalakad ng pabalik-balik sa gilid ng kama niya. Habang ako ay nanatiling nakatagilid ng higa habang nakayakap sa unan niya. Tumigil na ako sa pag-iyak ko. Mula kanina nang magpunta 'ko sa bahay ni Cindy matapos naming mag-usap ni Jake ay hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy kong pag-iyak. Hindi ko matanggap na nakipaghiwalay siya sa akin dahil lang sa aalis siya. Hindi ko rin maintindihan! I thought we're fine! As much as I want to help her to get it why, but I can't! Its all blurred to me. "Masama bang hintayin ko siya?" halos hangin lang ang boses ko, pero kaagad na kumulog iyon nang may sumabog nanaman na hapdi sa puso kong dahilan para muli nanaman ma

