CHAPTER FORTY THREE CINDY "I hope she'll be okay," sabi ni Rappy habang nakasandal ang likod sa sink at pinapanood akong magtimpla ng kape. Hinahalo ko pa ang kape nang ibigay ko sa kaniya ang mug na kaagad niya namang tinanggap. It's been a week since Jake left, at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kung ano nang nangyari sa island. Hanggang ngayon din ay dama ko pa ang lungkot kay Katelyn dahil sa pag-alis ng boyfriend -- ex boyfriend niya. Naiintindihan ko kung bakit sobrang lungkot niya. Siyempre mahal niya iyong tao, but still ayoko pa rin na nagmumukmok siya para sa isang taong iniwan din siya. Unfortunately she wants to be alone, kaya naman kahit linggo at day-off namin pareho ay hindi ko na siya napuntahan. I don't wanna force her to be okay around me. "Nandyan ka n

