Pangatlo

1681 Words
“MIMI, sorry na. Kausapin mo na ako, hindi ko kaya na ganito tayo.” Sabay katok ko sa pinto ng kuwarto niya. Kanina pa ako nasa harap ng kuwarto niya at kumakatok pero hindi niya pa rin ako pinagbubuksan. Mukhang galit talaga si Mimi sa akin. Nang mahimasmasan kasi ako, narealize kong ako ang mali. Hindi dapat ako nagsinungaling at naglihim dahil isang pamilya lang kami. Dumating naman si Mika. Kumatok din siya ng ilang beses. “Franco, eme ka! Tama na drama. Kausapin mo na ang anak mo.” Humarap ako sa kaniya. “Mika, paano ‘pag ayaw na akong kausapin ni Mimi?” Ngumiti naman siya. “Hindi ka niya matitiis. Nagiinarte lang ang mudra mo ng very light. Kakausapin ka rin niyan—- oh, speaking of the mudra.” biglang bumukas ‘yong pinto. Bumungad sa amin ang nakataas na kilay ni Mimi habang nakatingin kay Mika. “Kanina pa kita naririnig Mikael,” pagtutukoy nito kay Mika. Mga true name kasi nila ‘yan, Mikael si Mika at Franco si Mimi. Ganda ng mga name nila ‘diba? “Mikaela not Mikael,” “Edi tigilan mo ang kakatawag ng Franco sa akin, naiiniis ako lalo.” Lumipat ang tingin ni Mimi sa akin. “Anong kailangan mo?” walang emosyon ang boses nito. “Eme mo Franciella,” bulong ni Mika, hindi naman siya pinansin ni Mimi. Alam kong pinapagaan lang ni Mika ang sitwasyon. Tumingin ako sa mata ni Mimi. “Sorry na Mimi,” turan ko. “Sorry para saan?” “K-kung nagsinungaling at naglihim ako sa inyo ni Mika.” “Nakapag-isip kana ba?” kahit hindi ko itanong alam ko ang ibig niyang sabihin. Marahan akong tumango. “Opo, Mimi.” Bigla niya naman akong niyakap. Kaya nakahinga na ako ng maluwag. “Para sa’yo rin naman sa'yo lahat ng sinasabi namin, anak. Hindi namin gusto na mabuhay ka sa galit, walang magandang maidudulot ang paghihiganti. Ipapahamak ka lang niyan. Ipaubaya mo na lang sa diyos ang lahat.” Tumango na lang ako, ayoko na kasing magsalita baka may masabi lang akong ikagalit ulit niya. “Sali naman aketch!” Yumakap din si Mika sa amin. “Tama na tampuhan, nakakastress lang ‘yan.” Napangiti na lang ako, hindi ko talaga kaya na may tampuhan kaming tatlo. —- KINABUKASAN maaga akong gumising dahil may bibisita sa akin ngayon. Maganda rin ang gising ko ngayon, okay na kasi kami nila Mimi kaya nakatulog ako ng maayos kagabi. Nang makatanggap ng text kaagad akong lumabas ng kuwarto. Naabutan ko naman sila Mika na naghahanda ng breakfast. “Anong oras darating si Tory?” untag ni Mimi nang makita ako. Umupo muna ako. “Hindi ko po alam, eh. Pero malapit na raw siya, Mimi.” Umupo na rin si Mika. “Mabuti naman at naisipan niyang dumalaw. Ilang buwan ko na rin hindi nakikita ang babaetang ‘yon." Natawa naman ako sa sinabi ni Mika. Close kasi sila, ka-vibes niya kasi. Madalas naman kaming magkita ni Tory, malapit kasi ‘yong work ko rati sa apartment niya. Kapag may sobrang oras, nagkikita kaming dalawa. Sila Mika naman last last month pa ‘ata nang makita nila si Tory, medyo malayo rin kasi ‘tong bahay sa tinitirahan niya. “Sila pa rin ba ng boyfriend niya?” Napatingin naman ako kay Mimi. Humigop muna ako ng kape. “Hindi pa naman siya umiiyak sa akin, kaya sigurado akong sila pa rin.” “Mabuti kung ganun, 'wag puro trabaho. Nasa tamang edad na rin naman siya..” Bigla namang tumingin si Mika sa akin. “Ikaw Sienna? Kailan ka magjojowa?” Muntikan ko ng maibuga 'yong kape ko sa tanong ni Mika. “M-Mika naman, mga tanungan mo.” Natawa naman silang dalawa sa akin. “At bakit? Twenty five kana pero hanggang ngayon wala ka pa rin napapakilalang boylet sa amin.” “Wala pa sa isip ko ‘yan Mika,” sagot ko. Napakunot noo naman ako ng biglang lumaki ‘yong mata niya napatakip pa ng kamay sa bibig. “B-baka naman.. Baka babae rin gusto mo Sienna!” Tinapik naman siya ni Mimi. “Loka ka talaga Mikael. Mga iniisip mo sa anak natin. Wala namang masama kung wala pa siyang boyfriend. Hindi naman minamadali ang mga ganiyang bagay,” pagtatanggol pa nito sa akin. Grabe kasi si Mika, ginawa pa akong tomboy! Tumango naman ako bilang pangsang-ayon. “Kayo rin kaya may ayaw dati na mag boyfriend ako, kahit nga kaibigan na lalaki ayaw niyo sa akin. Siguro nasanay lang ako.” Strikto kasi sila Mimi sa akin. Kaya kahit kaibigan na lalaki walang lumalapit sa akin, pero growing up naiintindihan ko naman na sila. Iba na ang mga lalaki ngayon, mapupusok kaya dapat mag-ingat. “Sienna, noon ‘yon pero ngayon hindi kana bata ‘no! Sayang ang ganda anak, kailangan ipakalat ang genes natin,” seryoso talaga si Mika. Napakamot na lang ako pisngi dahil sa pinagsasabi niya. “Huwag mo na intindihin ang sinasabi ng Mika mo, never kasi nagkaroon ng boyfriend ‘yan kaya ganiyan.” “Excuse me, sa ating dalawa mas marami akong manliligaw ‘no!” depensa ni Mika. Pinapanuod ko lang silang dalawa, ganiyan talaga sila mag-asaran. Hanga nga ako sa friendship nilang dalawa, para lang silang mag kapatid. Hinayaan ko na lang sila magbangayan, baka kasi mapunta na naman sa akin ang atensyon. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko. Pagkatapos naming kumain at saka naman dumating si Tory. “Mga tita’s kong maganda!” Kaagad niyang niyakap sina Mimi at Mika. Niyakap naman siya ni Mimi pabalik. “Kumusta Tory? Gumaganda ka,” bati pa nito sa kaniya. Napahawak naman si Tory sa mukha niya. “Talaga ba Mimi? Salamat. Ganito talaga siguro pag inlove.” Niyakap din siya ni Mika. “Hinay-hinay sa love na ‘yan Tory, kasal muna bago isuko ang brilyante ng encantadia,” paalala pa ni Mika. “Nakuha na ng hator,” biro ko pa. Naningkit naman ang mata ni Mika, mabilis niyang binatukan si Tory pero mahina lang. Tuluyan na akong natawa dahil sa reaskyon ng mukha ni Tory “Siraulo ka Sienna! Ginawa mo pang hator si Luis,” natatawang sabi nito sa akin. “Huwag kayo maniwala kay Sienna, good girl kaya ako.” “Siguraduhin mo lang Tory,” banta ni Mika. “Takot lang sa’yo ng mga ‘yan,” natatawang turan ni Mimi. Nadamay pa talaga ako. Mayamaya rin nagpaalam na sila Mimi, pupunta na kasi sila sa parlor na pagmamay-ari nilang dalawa. Doon rin nagtratrabaho si ate Paola at iba pang mga kaibigan nila. Kaya kaming dalawa na lang ni Tory ang naiwan dito sa bahay. “Buti na lang okay na kayo nila Mika,” untag ni Tory. Nabanggit ko kasi sa kaniya ‘yong nangyari kahapon. “Oo...” sambit ko. “Alam mo naman, hindi ko kayang hindi kami okay kahit isang oras lang,” dagdag ko pa. Umupo naman siya tapat ko. “Shunga mo kasi, Sienna. Dapat tinago mo ng mabuti para hindi nila nakita.” “Ano bang malay ko? At saka nangyari na, hayaan mo na,” tugon ko. “Sabagay, ang mahalaga okay na kayo. Edi kakalimutan mo na pala talaga ‘yong paghihiganting gusto mo?” Napailing naman ako. “Hindi.” Tumaas naman 'yong isang kilay niya. “Hindi? pero nagpromise kana sa kanila ‘diba? Baliw ka talaga.” “Sinabi ko lang ‘yon para hindi na sila mag-alala sa akin. Para maging okay na na kami ni Mimi,” Alam ko kasing iyon ‘yong gusto nilang marinig sa akin, sinubukan ko naman talaga kalimutan lahat ng nangyari pero sobrang hirap. Pakiramdam ko magiging okay lang ako kung makakaganti talaga ako sa taong ‘yon. “Naiintindihan naman kita sa gusto mong mangyari pero may point din naman sila Mimi mo. Napakaimposible ng gusto mong gawin, hindi lang basta kahoy ang babanggain mo. Bakal, bakal ang mga Buenavista, Sienna." May point siya pero wala akong pakealam. Nangyari na sa akin na muntikan na akong mamatay, ngayon pa ba ako matatakot? Kinuha ko 'yong magazine na nasa ibabaw ng coffee table namin. "Kung bakal siya, ako naman ang kalawang na sisira sa kaniya," seryosong sabi ko. Hinablot naman ni Tory sa akin 'yong magazine. "Naririnig mo ba sinasabi mo Sienna? Parang ganun lang kadali kung makapagsalita ka. Paalala ko lang sa'yo, iyong taong gusto mong gantihan ay isa sa pinakamayaman sa buong bansa. Ano namang laban mo?" "Bakit pera na lang ba ang labanan ngayon? Hindi ako mag-aaksayang banggain ang pader kung p'wede naman akong gumamit ng hagdan." Inayos ko 'yong buhok ko pagkatapos ay ngumiti. Mukhang nagets naman ni Tory ang ibig kong sabihin. "Nakakaloka ka Sienna, baka iniisip mo nasa pelikula tayo, totoong buhay 'to, girl. Kung hindi lang kita best friend iisipin ko nababaliw kana. Dyosang baliw ganun!" Kahit hindi ako naiintindihan nila Mimi, masaya naman ako may kaibigan akong katulad ni Tory. "Kaya nga thankful ako kasi kaibigan kita. Maganda na at supportive pa!" puri ko sa kaniya, totoo lahat 'yan. Napangiti naman siya. “Ewan ko sa'yo, syempre susuportahan talaga kita. Para na kaya kitang kapatid." "Kaya alam kong makakaya ko kasi andiyan ka." "Tama na nga! Baka mag-iyakan pa tayo. So paano mo naman gagawin ang mga plano mo, sigurado kasi akong babantayan na nila Mimi ang mga gagawin mo,” Naisip ko rin 'yan, kilala ko na sila Mimi. Umayos ako ng upo. “May naisip naman na akong paraan kung paano mapapayag sila Mimi na umalis ako rito.” “Sige, sabihin na natin na papayag sila, saan ka naman titira, ha?” Ngumiti naman ako. “Hindi ko gusto ‘yang mga ngiti mo.” Hinawakan ko ‘yong kamay niya. “Edi sa apartment mo ako titira.” “Edi nic— apartment ko?! Sira ka talaga Sienna, ‘pag nalaman nila Mimi ‘yong totoo, patay talaga tayo nito pareho.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD