CHAPTER 13

1766 Words
"Why is it that no one informed me about my brother coming home today?!" Napahilamos pa sa kanyang mukha si Señorita Valeria habang naglalakad nang pabalik-balik sa sala. Sinesermonan niya si Manang Beth dahil hindi nito sinabi sa kanya na ngayong araw na ang uwi ni Señorito Caleb. Nalaman niya nalang kanina when she saw everyone busy cooking lunch dahil nandito na sa San Fernandez ang Señorito. "I'm sorry Señorita talagang binilin po ni Don Franco na huwag nang ipaalam sa inyo," paliwanag ni Manang Beth na halatang kinakabahan. Pupunta dapat kami sa kusina ni Joan para kumain ng lunch pero napatigil kami bigla dahil kay Señorita Valeria. "Why? Don't I have the right to know kung kailan uuwi ang kapatid ko?" Señorita yelled at Manang Beth again kaya hinila ko na si Joan dahil baka madamay pa kami sa galit ng Señorita. "Oh come on Valeria, you're making it sound like you lost something important and here you are freaking out because of it." Napatigil ako sa paglalakad at ganun din si Joan nang marinig namin ang iritableng boses ni Axel. Señorita Valeria's attention diverted to him and she gave him a deadly stare. "What does it have to do with you?" pagtataray nito. "Actually I wouldn't mind hearing you scream and go wild here if I'm not around." Hinawakan ni Axel ang tenga niya bago siya muling nagsalita, "But I'm here and you're ruining my mood." Pakiramdam ko kumulo na ang dugo ni Señorita Valeria sa sinabi ni Axel. Never ko pang narinig na tinawag niyang ate si Señorita at mukhang hindi naman nagrereklamo ang Señorita dahil siguro sanay na siya sa ugali ng kanyang pinsan. "Oh really? Then cover your ears with wax!" muling sigaw ni Señorita Valeria. Axel just smirked playfully at her before he glanced at me kaya agad akong napaiwas nang tingin. "You're annoying, I think it's your mouth that needs to be covered not my ears. I'm not going to adjust for you, high-pitched voiced Señorita," Axel said in a mocking voice. At dahil ayaw ko nang marinig ang pag-aaway nila ay hinila ko na ulit si Joan na mukhang nag-eenjoy pa yata sa pagbabardagulan ng dalawa naming amo. "Anong nangyari don?" tanong ni Manang Lea pagkapasok namin sa kusina. Ngumuso pa ito patungo sa direksyon ng sala kung saan nagtatalo sina Señorita Valeria at Axel. "Nagwawala na naman si Señorita Valeria dahil hindi daw siya na-inform na ngayon ang uwi ng kapatid niya," sagot ni Joan bago kami tuluyang naupo sa may counter kung saan kami madalas kumakain. "At bakit narinig ko 'yong boses ni Señorito Axel?" dagdag na tanong ni Manang Lea. Hay naku may pagkamarites din ang isang 'to. "Nairita yata sa pagsisigaw ng pinsan niya," this time ay ako naman ang sumagot. Tumango nalang si Manang. "Mukhang nasabon na naman si Manang Beth," wika ni Joan na naawa pa kay Manang Beth. Well, pati rin naman ako nakaramdam ng awa para sa Mayordoma. "Ang gulo ng mga amo natin. Minsan 'yong utos ng isa ayaw naman nong isa. Hindi ko na tuloy alam kung sino sa kanila ang susundin minsan." Napakamot pa ng ulo niya si Manang Lea. Kumain nalang kami ni Joan at may ibang mga kasambahay pa na pumasok. Pinag-uusapan din nila ang tungkol sa pagsisigaw ni Señorita Valeria kay Manang Beth. "Bilisan niyong kumain at parating na ang Señorito," wika ni Manang Beth na kapapasok lang ng kusina. Napatigil tuloy sa pagbubulungan 'yong iba. Pagkatapos kumain ay naghugas na ako ng kamay at lumabas ng kusina. Nakasunod lang sa'kin si Joan na hindi nagsasalita. Bigla itong naging tahimik na para bang may malalim na iniiisip. "Are you okay?" Nakakapagtaka kasing bigla nalang siyang tumahimik. Kanina lang ang daldal pa niya. "Naisip ko lang kung andito na si Señorito Caleb mas lalong magiging magulo ang mansyon." Naguluhan ako bigla sa sinabi niya. "Bakit naman? Diba mabait si Señorito Caleb? Bakit naman magiging magulo lalo itong mansyon?" I asked her. She pulled me closer to her at bumulong siya sa tenga ko, "Because Señorito Axel always treated Señorito Caleb as his competition. They compete in everything here." "Wow pagchismis English ha?" I teased her habang tumatawa. "Nahahawa na yata ako kay Señorita Valeria," she said habang tumatawa. Natawa kami pareho but deep inside my mind hindi ko maiwasang isipin ang sinabi niya kanina na nakikipag-kumpitensya si Axel sa pinsan nito. Why would he do that? Now I'm starting to realize that the Del Fuegos are just like other rich families, they compete with each other. "Andito na si Señorito Caleb!" Natatarantang tumakbo papasok ng bahay ang isa pang kasambahay na sa tingin ko ay kasing-edad ko lang. Lahat tuloy kami ay nataranta at napatakbo patungo sa main door ng mansyon. Hinanap ng mga mata ko sina Axel at Señorita Valeria, nakita ko sila sa labas ng pintuan na nakatayo kasama ng lolo nila. Axel looks bored at parang napilitan lang itong salubongin ang kanyang pinsan habang si Señorita Valeria naman ay nakangiti at halatang excited na makita ang kanyang kapatid. Tumigil ang isang Mercedes Benz sa labas at kitang-kita ko kung paano humagikhik ang ibang mga kasambahay na para bang excited silang makita muli ang Señorito na hinahangaan ng lahat dahil sa pagiging mabait nito. Nagmamadaling tumakbo ang mga Butler para kunin ang mga bagahe nito. Maya-maya pa ay lumabas na ang lalakeng pinakahihintay ng lahat. Una kong napansin ang kulay brown niyang buhok, maputing balat at ang height niyang halos kasing tangkad lang ni Axel. He's wearing shades na dahan-dahan niyang tinanggal revealing his hazel brown eyes and thick eyebrows. "Caleb!" Excited na tumakbo palapit sa kanya si Señorita Valeria. "Ate what's wrong with you? We've seen each other last month before you came back here. Why are you acting like we haven't seen each other for years?" Caleb chuckled and he looks cute. Kitang-kita talaga sa mga ngiti niya at kung paano siya magsalita ang malaking pagkakaiba nila ni Axel. Now I know kung bakit gustong-gusto siya ng lahat. He's wearing a white long sleeves and black pants, nakasabit naman sa braso niya ang coat niya na agad kinuha ng ate niya bago nito marahang hinampas ang kanyang braso. "Shut up! It's rare for me to see you everyday kahit nong nasa ibang bansa pa tayo. And now that you're here I feel so really happy dahil makakasama na kita everyday." Sa sobrang cute nilang tingnan na magkapatid ay napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Naalala ko kami ni ate, ang sarap sa pakiramdam na may ate ka. I really miss my ate, sana makasama ko na siya soon. "MIA!" Naglaho ang ngiti ko at halos mapatalon pa ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw ni Axel. Pati tuloy si Don Franco ay napasulyap sa'kin maging ang mga pinsan niya at ang lahat ng mga kasambahay at tauhan nila na sumalubong kay Señorito Caleb. Kabadong tumakbo ako palapit sa kanya. "A—no po 'yon Señorito?" kinakabahang tanong ko. Ang sama kasi ng tingin niya sa'kin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan. "Go upstairs and clean my room!" he said while gritting his teeth. Kakalinis ko palang ng kuwarto niya paglilinisin na naman niya ako? Pero dahil ayaw kong magreklamo dahil amo ko siya eh susunod nalang ako sa kanya. "O—po." Dali-dali akong pumasok sa loob ng mansyon pero bago pa man ako tuluyang nakapasok ay nahagip pa ng mga mata ko ang pagngisi ni Señorita Valeria at pagtitig sa'kin ni Señorito Caleb. ******** Nakatayo lang ako dito sa loob ng kuwarto ni Axel at pinag-iisipan kung ano bang dapat kong gawin gayong malinis na naman itong kuwarto niya. Abnormal talaga minsan 'yong lalakeng 'yon. Naupo nalang ako sa couch at kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Tinext ko si mama, kukumustahin ko sila ni papa. To; Mama Ma, kumusta kayo ni papa? Si ate tumawag na po ba sa inyo? Kumusta po siya? Nanatiling nakahawak lang ako sa cellphone ko, hinihintay ang reply ni mama. Mabuti nalang at makalipas lang ang ilang segundo ay nagreply naman siya. From; Mama Okay naman kami anak, huwag kang mag-alala sa'min. Mukhang nagbabago na naman ang papa mo hindi na siya nagsusugal. Tungkol naman sa ate mo may schedule siya ulit ng chemotherapy sa susunod na linggo kaya luluwas ako ulit ng Maynila. Napabuntong-hininga ako matapos kung mabasa ang reply ni mama. Mabuti naman at nagtanda na si papa, hindi na ako mamomroblema na baka mabaon na naman siya sa utang dahil sa pagsusugal. Si ate naman sana tuluyan na siyang gumaling at makabalik na dito sa San Fernandez. To; Mama May pamasahe ka po ba ma? Punta ka po dito sa mansyon bibigyan po kita ng pamasahe. Ibibigay ko nalang muna kay mama ang ipon ko dahil wala pa akong sahod. Nagreply naman agad si mama. From; Mama Hindi na anak. May naipon naman ako dito. Magrereply pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto kaya dali-dali kong ibinalik ang cellphone ko sa aking bulsa. Pumasok si Axel na masama na naman ang tingin sa'kin. Padabog pa nitong isinara ang pinto, napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "Okay ka lang?" I tried to hide my nervousness. Kinakabahan kasi ako sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa'kin. "Okay? Afrer I saw you fantasizing my own cousin? Do you think I would still feel okay?" he yelled at me na nagpaawang sa mga labi ko. "What do you mean?" Ano bang pinagsasabi niya? Anong fantasizing his cousin ba ang pinagsasabi niya? Madilim parin ang tingin niya sa'kin at halos tumigil ang paghinga ko nang itulak niya ako kaya muli akong napaupo. Bago pa man ako tuluyang makatayo ay siniil na niya ako nang halik. He's kissing me hungrily na para bang pinaparusahan niya ako. "Aray!" sigaw ko nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. Napahawak ako doon nang tuluyan na niyang bitawan ang labi ko pero hindi parin siya lumalayo sa'kin. He's breathing heavily at kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Nanginig ako nang makita ko ang dugo sa daliri ko na nagmula sa aking labi na kinagat ni Axel. "Remember this Mia, you're mine! You will only look at me, sa akin ka lang ngingiti and you will only fantasize me!" Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Did he just caught me smiling while looking at his cousin? Don't tell me he's looking at me the whole time and not on his cousin na kararating lang? Pero mali naman siya ng pagkakaintindi, I'm not fantasizing his cousin natutuwa lang ako sa closeness nilang magkapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD