PROLOGUE
"I'm marrying Samantha next month."
Natuod ako sa aking kinatatayuan matapos kong marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. Sa lalakeng inalayan ko ng aking pagkatao at pagmamahal. The man I loved with all my heart kahit alam kong sobrang layo ng istado namin sa buhay.
Awtomatikong napatalikod ako sa kanya nang maramdaman ko ang panunubig ng aking mga mata.
"Wa--la na ba talaga akong magagawa?" nauutal na tanong ko; umaasang mababago ko pa ang kanyang desisyon.
Naramdaman ko ang pagtayo niya sa kama at naglakad siya palapit sa mesa na nasa harapan ko. Kinuha niya ang bote ng wine na nakalagay doon at nagsalin sa kupeta.
"I told you already, everything we have is just for pleasure. I can't leave her for you."
Sa pagkakataong ito ay nakaharap na siya sa'kin at wala manlang emosyong mababakas sa kanyang mga mata. It's as if he really don't care kung ano man ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Natawa ako nang mapait, "Bakit nga ba ako umasang pipiliin mo ako? Ang tanga ko talaga! I'm nothing compared to her."
Isa lamang akong katulong sa Hacienda nila at ang mga magulang ko ay simpleng magsasaka lamang sa lupaing pag-aari din nila. Masuwerte na nga lang ako at dinala niya ako dito sa Maynila at pinag-aral. 'Yon nalang siguro ang kapalit nang lahat ng ginawa kong pagsira sa sarili kong pagkatao.
"Stop it Mia! Just shut your f*cking mouth! Tigilan mo na 'yang pagdadrama mo diyan! Wala namang mawawala sa'yo, you still have this condo at susuportahan ko parin ang pag-aaral mo," saad niya na parang ganun lamang kasimple ang lahat.
'No Axel, I'm going to lose you. Kaya kong tanggapin ang pagkawala ng lahat ng mga bagay na sinambit mo pero ang hinding-hindi ko matatanggap ay ang mawala ka sa akin!'
Gusto kong ipagsigawan 'yon sa kanya pero hindi ko magawa. Dahan-dahan akong napaupo sa sahig habang humahagulgol.
"B*LLSHIT! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong dinadramahan ako tuwing pumupunta ako dito! Don't expect me to make you my legal wife gayong alam mo kung gaano kahalaga si Samantha sa pamilya ko at sa negosyo namin!" sigaw niya na mas lalong nagpatindi sa pag-iyak ko.
"Nauunawaan ko.. I'm sorry, aalis na muna ako." Inipon ko ang natitirang lakas ko at pinilit kong tumayo kahit nanginginig at nanghihina ang aking mga binti.
"I cooked your favorite dinner, initin mo nalang sa microwave at kumain ka," the last words I said bago ako tuluyang lumabas ng unit niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang hindi manlang lumilingon. Natatakot ako na kapag lumingon ako ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumakbo ako para yakapin siya at muling magmakaawa. I can't be that weak infront of him, I just can't!
*******
"You're an idiot Mia! Alam mo namang may fiance 'yong tao pumatol ka parin! Tapos ngayon iiyak-iyak ka diyan dahil ikakasal na sila? Baliw ka ba?" panenermon ng best friend kong si Mona. Sa kanya kasi ako dumiretso pagkatapos kong umalis sa condo ni Axel.
"Mona, I can't lose him!" I cried. Iisipin ko palang na magpapakasal na siya sa iba ay parang sinasak-sak na ng libu-libong kutsilyo ang puso ko.
"Tange! Hindi naman talaga siya sa'yo so hindi siya mawawala sa'yo dahil walang kayo! Nauunawaan mo ba?" She slapped me hard with the truth.
Ang sakit ng mga salitang binitawan niya but she has a point. Axel was never mine from the very beginning, ako lang talaga itong nag-assume na baka may chance na piliin niya ako. I was so stupid!
"I don't know what to do," pag-amin ko. Gusto kong tanggapin ang katotohanan na hindi ako ang tunay na nagmamay-ari sa kanya but my heart just don't know how to accept that fact.
"Bruha! Wala kang ibang gagawin kundi ipagpatuloy ang pag-aaral mo! Lumaban ka sa paraang alam mo at ipaglaban mo kung ano talaga ang para sa'yo! Gusto niyang pag-aralin ka? Reject it! Gusto niyang tumira ka sa condo niya? Reject it too! Putulin mo na lahat ng connection mo sa kanya at layuan mo na siya para hindi ka na masaktan pa lalo! Find a decent job, 'yong kayang suportahan ang pag-aaral at pamilya mo at the same time. What's only left with you now is yourself so please don't lose it! Ipaglaban mo ang sarili mo at ang natitira mong pride!" payo niya sa'kin.
Malungkot na tumingin ako sa kanya, she looks so serious at alam kong gusto niya lang na matauhan ako.
"How?" Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano at saan ako magsisimula.
"Stay here in Manila at maghanap ka ng trabaho. Siguradong pagkatapos ng kasal nila ay sa San Fernandez na mananatili iyong si Axel at minsan lang magagawi dito sa Maynila lalo na kapag hindi ka na nagpakita pa sa kanya. Ginagawa ka lang naman nong parausan! I'll help you find a job, just trust me okay? Stay here with me hindi ka niya matutunton dito sa condo ko."
Napatango nalang ako sa sinabi niya. She's right, tapos na ang mga araw na hinayaan kong maging alipin ako ni Axel, tapos na ang mga araw na naging sunod-sunuran niya ako at higit sa lahat tapos na akong magpakatanga sa pagmamahal ko sa kanya. It's about time para hanapin ko ang sarili ko.
"How about my family?" Siguradong sila ang paparusahan ni Axel kapag hindi na ako nagpakita sa kanya. At malawak din ang koneksyon niya maging sa University kung saan ako nag-aaral.
"Ngayon palang tawagan mo na ang mama mo, papuntahin mo sila sa kamag-anak niyo sa ibang probinsya 'yong malayong-malayo. Tapos ikaw naman lumipat ka ng eskwelahan. Simple!"
"Paano kung mahanap niya parin ako at ang mga magulang ko?" Natatakot talaga ako para sa pamilya ko.
"He won't. Huwag kang panghinaan nang loob. Magdasal ka lang," pagpapakalma niya sa'kin.
Muli akong tumango, "Thank you Mona. Thank you."
"Hayst ano ka ba? You're my only friend, syempre hindi ako papayag na maagrabyado ka at habang buhay na gamitin ng lalakeng 'yon. I will be with you, no matter how dangerous the path would be; I will walk that path with you."
Yinakap ko siya nang mahigpit at pareho kaming napahagulgol.
Sana nga talaga kayanin ko, sana magawa kong lumayo sa kanya nang tuluyan. At sana dumating rin ang panahon na magawa kong kalimutan siya at itong pagmamahal ko sa kanya na ginagamit niya para maging sunod-sunuran niya ako.
'Axel Maverick Del Fuego, you are my biggest regret! But I love you still.'