CHAPTER 17

1523 Words
CALEB'S POV; ——— Nakangiting umakyat ako sa second floor ng mansyon. Hindi ko inakalang tama pala ang hinala ko, Mia was that little girl. "So, where have you been?" Nakapamewang na tanong ni ate sa'kin. Nakasalubong ko siya sa pasilyo papunta sa aking silid. "Sa kuwadra?" cool na sagot ko sa kanya. "Oh, binisita mo ang mga kabayo mo?" she asked habang pinupukol ako nang mapanuring tingin. "Oo, what's wrong with that ate?" "Wala naman. You can visit your horses anytime but talking to that woman is forbidden!" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na nakita niya pala kaming nag-uusap ni Mia. "Ano bang ibig mong sabihin ate? Bakit naman bawal?" Hindi ko siya maintindihan. This was the first time na pinagbawalan niya ako na kumausap ng ibang tao dito sa mansyon. "Axel Maverick is obsessed with that woman! Kapag nalaman niyang you're getting close to her mas lalo lang magagalit sa'yo ang pinsan natin!" singhal niya sa'kin. "Ate, she's not Axel's property!" giit ko. Kita ko kung paano magdilim ang tingin ni ate sa'kin. "Are you stupid? Well I think you're not! Siguro naman unang araw mo palang dito alam mo na agad that Axel has a thing for her! And that woman is a gold digger! She already has Axel in her palm so don't make her do the same thing to you!" Bigla akong nainis sa sinabi ni ate. "Alam kong maldita ka ate, but you don't have the right to judge Mia!" Tinaasan niya ako ng kilay bago siya muling nagsalita, "I have every right to judge her! Kitang-kita ko mismo! I saw how she flirted with Axel! And now she's doing the same with you! Porket wala si Axel dito ikaw naman ang nilalandi niya!" "Ate enough!" saway ko sa kanya. Medyo napalakas na kasi ang boses niya. Natatakot akong baka may makarinig sa pinagsasabi niya at maniwalang masamang babae si Mia gaya ng pinupunto ni ate. "Listen to me Caleb! Stay away from that woman or I will do everything para mapalayas siya sa pamamahay na ito!" Sa kauna-unahang pagkakataon ay tumalim ang tingin ko kay ate dahil sa pagbabanta niya. "Now you're looking at me like a mad man! Your eyes reminded me of how Axel looked at me when I accidentally pushed that woman and hurt her head. I can't believe how crazy you have become after meeting her in just a day!" she yelled at me. Pero wala akong pakialam sa pinagsasabi niya, all I care about is what she said about hurting Mia. "Did you hurt her ate?" Hindi siya nakasagot agad na para bang tinatantya niya ang reaksyon ko. "Don't tell me you're going to hate me for hurting her?" hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin. "I'm asking you ate, did you hurt her?" pag-ulit ko sa tanong ko. "Yes, but that was an accident. Binasag niya ang ceramic vase na binili ko pa sa isang auction sa China! I couldn't control myself because of anger so I accidentally pushed her" "Don't do that again ate. Don't ever think of hurting her again. At mas lalong hindi mo siya puwedeng paalisin sa mansyon na ito!" I warned her. "What? Since when did you learn to talk to me like that Caleb?" "If you don't want me to hate you, then don't hurt Mia." That was the last thing I said bago ko tuluyang iniwan si ate na hindi parin makapaniwala sa ginawa kong pagsagot sa kanya. I will not allow her to hurt Mia, no one is allowed to hurt her, not even Axel! ******* VALERIA'S POV; ——— Natulala ako at hindi ako makapaniwala na nagawang sabihin sa'kin 'yon ni Caleb. He's mad and he warned me not to hurt that woman again. Ano nga bang meron sa babaeng 'yon at pati ang kapatid ko ay napapaikot na niya sa mga palad niya? Bukod sa pagiging gold digger ay magaling din pala siyang manipulator. "Valeria apo come to my study." Natigilan ako nang marinig ko ang ma-awtoridad na boses ni lolo. He's standing outside the door of his study room at mukhang narinig niya ang naging pag-uusap namin ni Caleb. Pagkapasok ni Lolo sa loob ay sumunod ako sa kanya. I closed the door behind me at naupo ako sa couch kung saan rin naupo si Lolo. "Lo, did you hear everything?" I asked him kahit alam ko na naman ang sagot. "I did, I heard everything," simpleng sagot niya na para bang wala lang sa kanya kahit pa narinig niyang may posibilidad na pag-agawan ng dalawang niyang apo ang gold digger na Mia na iyon. "Lolo pagsabihan mo ang mga apo mo. Hindi na nakikinig sa'kin si Caleb!" I begged him. Pero mabilis na umiling si Lolo. "I don't understand," hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya. "I'm not blind Valeria, I know what's happening in my own mansion." "But you chose to turn a blind eye on everything?" Kilala ko si Lolo, wala siyang pinapalampas na mali. But why he's acting like he doesn't care kahit pa alam naman niya ang mga nangyayari? "I have to, because that's what everyone needs. I want Axel to figure out his own feelings all by himself. I've never seen him so invested in someone especially with a woman before. Kahit hindi niya sabihin, I know how much he cares for Mia. So I let him, I let him have the happiness that he wants." Natulala ako at halos hindi ako makapagsalita sa naging sagot niya. "Lolo, you clearly know kung ano ang gusto ni Tito Benedict para kay Axel!" "Yes I know that. Alam ko din na gusto ni Axel na kumawala sa kontrol ng ama niya noon pa. I can't do anything about it, but I know someone who can; and that's' Mia. She's the freedom that Axel needs so don't do something stupid to ruin everything. Just let time and their fates take over," simpleng paliwanag niya. "Pero lolo, my brother feels the same way for that woman!" Wala naman talaga akong pakialam sa relasyon ni Axel at ng babaeng 'yon pero ngayong pakiramdam ko ay madadamay ang kapatid ko ay ayaw kong umupo nalang at manood sa susunod na mangyayari. "Caleb is old enough to know what he's doing. Stop treating him like a child, he's all grown up now. I know how much you love your brother, but he needs to be a man on his own don't pull him back to being a child! He needs to know right from wrong and the consequences of his actions. The more you would try to stop him, the more he would hate you and I know you don't want that to happen. Am I right apo?" Napatango nalang ako sa sinabi ni Lolo. "Then you have to trust him. Let him have the freedom to love and let's see where this is going. Hindi naman magpapatayan ang dalawang 'yon ng dahil lang sa babae so stop being paranoid. They are still cousins and no matter what happens in the future mangingibabaw parin 'yon," pagpapakalma ni Lolo sa'kin. ******* MIA'S POV; ——— FROM: AXEL I'm already here in Manila. Napangiti ako nang mabasa ang text message ni Axel. Gabi na at masaya ako na nasa Manila na siya. Pero napawi agad ang lungkot ko nang maisip kong baka magkasama na sila ngayon ng fiancé niya. Hindi nalang ako nagreply, naisip ko kasi na baka 'yong fiancé na niya ang makabasa at mag-away pa sila. "Kumusta 'yong trabaho mo kanina?" Napaangat ako ng tingin kay Joan na kasalukuyang nakatayo sa harap ko habang nagsusuklay. "Okay naman, tinulungan ako ni Señorito Caleb," simpleng sagot ko. Speaking of Señorito Caleb naalala ko ang paperbag na may lamang chocolate na ibinigay niya sa'kin. "Tinulungan ka ni Señorito Caleb?" hindi makapaniwalang tanong ni Joan. Marahang tumango naman ako sa kanya. "Binigyan niya rin ako ng chocolates. Binigyan niya raw lahat nito ako lang 'yong hindi kaya inabot niya sa'kin kanina," I told her habang ipinapakita ko ang paperbag na may lamang chocolate. "Talaga? Ako bakit hindi niya hinanap? Pareho naman tayong wala don nong mamigay siya." Biglang naging malungkot ang itsura ni Joan. "Huwag ka nang malungkot. Here kumuha ka diyan ng gusto mo." Inabot ko sa kanya ang paperbag. Biglang nagliwanag ang mukha niya. "Sure ka?" paninigurado niya. "Oo naman. Madami na naman akong nakain kaya kung gusto mo sa'yo nalang lahat 'yan." "Thank you Mia!" Kinuha niya sa'kin ang paperbag at yinakap na labis na nagpatawa sa'kin. Hinayaan ko nalang siya doon at tumayo na ako para maligo. Kinuha ko na ang kulay puti kung pajama at puting sando. "Ligo na ako," paalam ko sa kanya. "Okay," sagot naman niya na nakangiti parin. Sinimulan niya nang kumain ng chocolate at parang batang nagdaydream pa siya habang ngumunguya. Naiiling na pumasok nalang ako sa loob ng banyo. Pagkapasok ko sa loob ay naisip ko naman si Axel. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Gusto ko siyang tawagan pero natatakot ako. "Hayst. Sana lang may karapatan na talaga ako sa kanya kaso wala," malungkot na sambit ko kasunod ng pagbuntong-hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD