CHAPTER 19

1699 Words
AXEL'S POV; ——— Tanghali na nang maisipan kong pumunta sa kompanya. Dad wants me to be there for the annual board meeting and I don't want to hear them talking about company issues so I purposely came here late. Gusto ko pagdating ko tapos na ang board meeting. "Good afternoon sir Axel." Sinalubong ako ng assistant ko na si Francis. Yumuyuko naman ang mga empleyadong nakakasalubong ko at halatang kinakabahan silang makita akong naglalakad ngayon dito sa loob ng kompanya. Affinity is a jewelry company na pag-aari ng pamilya ko. My mom and dad contributed a lot for this company, bunga ito ng pagsisikap nilang dalawa. And also the reason why they want me to marry Samantha. They want to acquire Hermosa Minings through marriage and since I'm their only child ay saakin napatong ang obligasyong ito. I became the sacrifice for this company and my future and happiness was the cost that I need to pay for being their son. "How's everything that I told you to do?" tanong ko kay Francis pagkapasok namin sa elevator. May mga empleyado sanang papasok pero nang makita nila ako ay umatras at hindi na nila itinuloy ang pagsakay sa elevator. "Maayos naman lahat Sir. May nakausap na rin akong Mining company at ang sabi nila they will see kung marereach nila ang demand ng company natin," sagot ni Francis bago niya tuluyang pinindot ang button papunta sa 50th floor kung saan naroon ang office ni Dad. "That's good but I need them to be sure." Lahat ng mga gawain ko ay iniwan ko kay Francis habang nasa ibang bansa ako at nang umuwi ako sa San Fernandez. And I told him to prioritize looking for a Mining Company na kayang higitan ang mga de-kalidad na gemstones ng Hermosa Minings. That's the only way na nakikita ko to stop this stupid engagement from happening. "Sinabi ko na po 'yan sa kanila sir. Ginagawan ko na rin po nang paraan na makahanap ng iba pang Mining Companies bukod sa kanila." "Yes you do that. Just make sure na hindi ito makakarating kay Dad," bilin ko sa kanya. If my dad hears about this ay siguradong magagalit na naman 'yon sa'kin. "Noted Sir." Pagkabukas ng elevator ay napaatras na naman ang mga empleyadong pasakay dito nang makita nilang ako ang nakasakay doon. Ang iba ay napakagat pa sa kanilang mga labi, may mga napayuko habang ang iba ay napatakbo pabalik sa mga cubicle nila. Fear is evident in everyone's eyes lalo na nang maglakad na ako papasok sa Executive office kung saan naroon ang opisina ng daddy ko. "Sir Axel, kanina pa po kayo hinihintay ng Dad mo," pagsalubong sa'kin ng secretary ni Dad. Halatang kinakabahan ito, malamang siya na naman ang napag buntunan ng galit ni Dad dahil hindi ako umattend ng Board Meeting. Hindi na ako sumagot sa kanya, dumiretso nalang ako sa loob ng opisina ni Dad habang nakasunod sa'kin si Francis. As soon as I stepped inside his office ay sinalubong agad ako ng lumilipad na libro. Muntik pa akong matamaan mabuti nalang at sanay na ako kaya agad akong nakaiwas. My dad's always like that, he loves throwing things at me when he's mad. "Mabuti naman at naisipan mo pang pumunta!" he yelled at me. Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko at masama ang tingin sa'kin. "Francis lumabas ka na muna," pagpapalabas ko sa assistant ko na halatang natakot din kay Dad dahil dali-dali itong lumabas matapos marinig ang sinabi ko. "I told you to attend the board meeting!" muling sigaw ni Dad sa'kin. "Dad I was drunk last night so I woke up late," pagsisinungaling ko habang inaayos ko ang suot kong necktie. Though it wasn't a total lie dahil uminom naman talaga ako kagabi, but I wasn't drunk. "Drunk? Saan ka na naman uminom?" "Sa condo ko." Naglakad ako palapit sa couch at pinagpag ko muna ito bago ako naupo na para bang may alikabok ito kahit malinis naman talaga. Gusto ko lang talagang inisin si Dad. "You are here in Manila for business! Hindi ka nandito para uminom lang sa condo mo! I've been waiting for you, I even tried extending the meeting for you but you never came! Alam mong mahalaga ang oras ng board!" panenermon niya. "Yeah right. For business din pala 'yong umattend ng birthday celebration ni Samantha at magpanggap na mapagmahal na fiancé, right dad?" Kita ko kung paano mas tumalim ang tingin ni Dad sa'kin. "Shut up Axel! You're all grown up now and you should be taking your responsibility seriously! Affinity will be yours soon and you need to be fully responsible! I don't want to see you ruin everything na pinaghirapan namin ng mommy mo kapag matanda na kami. Be good and stop acting like you hate your engagement with Samantha. Did you understand?" Lumilitaw na ang mga ugat ni Dad sa leeg dahil sa galit. He's fuming mad at me, kulang nalang ay ibalibag niya sa harapan ko ang center table. "I understand dad," napipilitang sagot ko. "Good! Siguraduhin mo talagang naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. Now go and choose your engagement rings from our new and limited editions diamond rings. You need to give Samantha an engagement ring on her birthday. You are already engaged at hanggang ngayon ay wala parin kayong singsing," he commanded me. "Yes dad. Wala ka na po bang ibang ipag-uutos? I'm leaving." "Go! Samantha's birthday is within this week kaya kailangan mo nang pumili ng singsing," muling paalala niya. I'm tired of him talking nonstop about Samantha's birthday and that f*****g engagement ring! "Noted." Tamad na tumayo ako at naglakad palabas ng opisina niya. "Look for an engagement ring for me and Samantha. I don't care what you choose, just choose randomly from Affinity's diamond engagement rings," utos ko kay Francis pagkalabas ko. I'm not stupid para magsayang pa ng oras sa paghahanap ng engagement ring na 'yon. "Noted Sir." Lumingon akong muli sa opisina ni Dad. 'Someday I will be free from your control dad. Mark my word!' ******* MIA'S POV; ——— "I thought I'm going to see you again in the backyard." Napatigil ako sa pagpupunas ng center table para lingunin si Señorito Caleb na nakapamulsang naglalakad palapit sa'kin. He's smiling again which makes him look more handsome. "Andon na raw po ang mga caretaker. Galing po ba kayo don?" tanong ko nang tuluyan na siyang makalapit sa'kin. "I suddenly missed going there more often so I decided to take a peek," he said casually. Napatango nalang ako at itinuloy ang ginagawa ko. Ano kayang ginagawa niya dito sa third floor? "Mag-isa ka lang bang naglilinis dito?" Muli na naman akong napatigil sa ginagawa ko nang maupo siya sa sofa at seryosong tumingin sa'kin. "Opo. Nasa garden po kasi si Joan at si Ate Tess ipinatawag na naman po ng Don," sagot ko. Nitong nakaraang mga araw ay napapansin kong madalas ipatawag ng Don si ate Tess. "I see. Lolo trusts ate Tess so much huh? He seems more comfortable with her than Manang Beth," he chuckled. "Siguro po," sagot ko nalang. Hindi ko naman talaga alam kung ano talagang totoo at ayaw ko nang makisawsaw dahil baka marinig ni Ate Beth at mapag-initan pa ako. "Dati palang ganun na talaga si Lolo, no one is allowed to enter his study except for ate Tess. Even us, we can't enter without his permission. Actually ate Tess wasn't really assigned here in the third floor. Sa study room siya ni Lolo naglilinis noon. I was even surprised when I heard that she's already assigned here." Napaisip ako sa sinabi ni Señorito. So hindi pala talaga dito nakaassign si ate Tess pero bakit andito na siya nong dumating ako? Matanong nga si Joan mamaya pagkabalik niya galing sa garden. "Ano po palang pinunta niyo dito Señorito?" pag-iiba ko sa usapan. I might sound rude dahil bahay naman nila ito and they can go wherever they want; but I still want to ask. "I just missed going up here. Lalo na na wala dito si Axel, so I have the freedom to roam around," he answered with a laugh. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. "Nagagalit po ba si Señorito Axel kapag may ibang umaakyat dito?" Bakit naman siya magagalit eh bahay naman 'to ng lolo nila kaya may karapatan din ang mga pinsan niya? "Sort of. I actually don't get him. Bata palang kami ayaw na niyang may pumupunta dito that's why lolo especially assigned maids to clean here dahil mas comfortable si Axel kapag pamilyar ang mga mukhang nakikita niya. Ayaw niya ng iba-ibang kasambahay ang nandito. Buti nga hindi ka niya nasungitan nong unang beses mo dito. He has trust issues, I think kung kaya niya lang linisin itong buong floor nang mag-isa baka hindi na niya kayo pinaakyat dito," paliwanag ni Señorito Caleb. "Hindi naman po niya ako sinungitan masyado," sagot ko habang inaalala ang unang encounter namin ni Señorito Axel. "You're blushing." He even pointed at my face kaya dali-dali ko itong tinakpan gamit ang mga palad ko. And that made him laugh. "Hindi naman po ah," dipensa ko. Shit! Namumula siguro ako dahil iniisip ko ang ginawa namin ni Axel, or probably the thing he did to me on that day. "Yeah, you're not." Tumayo na siya at napaatras ako nang inilapit niya sa'kin ang mukha niya para silipin ang mukha ko. He's teasing me! I hold my breath for a second at natulala nalang ako habang nakatingin sa mga mata niya. "I'll go ahead. Samahan mo ako bukas, I want to look around the coffee farm." Inilayo na niya sa'kin ang mukha niya and I immediately gasped for air. Malalagutan pa yata ako ng hininga dahil sa kanya. Cool na naglakad na siya palayo sa'kin nang hindi manlang ako hinihintay na sumagot. Mukhang wala naman akong karapatang tumanggi because we agreed yesterday na sasamahan ko siya kapag pumunta siya sa coffee farm kung saan ako lumaki. Namiss ko na rin naman sina mama at sana andon na si mama para makita ko siya. Hindi ko pa pala siya natetext kung nakabalik na siya dito sa San Fernandez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD