GLASE POINT OF VIEW Sobrang tuwa ni Krizza nang malaman ang sinabi sa akin ni Sir Kellix. Kahit ako, ramdam ko rin ang saya. “Ikaw na po ang mommy ko, ibig sabihin po ba ikakasal ka na kay daddy?” Nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong ni Krizza. Saan naman niya natutunan 'yan?! “Krizza! S-saan mo naman n-nalaman iyang mga k-kasal-kasal na 'yan?” nauutal kong tanong sa kaniya. “Ahm, nabasa ko po kasi sa novel ni daddy. 'Di ba po ang mommy dapat kasal sa daddy ng isang baby?” Halos hindi ako makahingang maayos dahil sa sagot niya. Diyos ko po! Pero teka, n-novel ni S-sir Kellix? “Anong sabi mo? Novel ng daddy mo?” tanong ko sa kaniya. “Yes po, mommy. 'Yong story niya pong wife ang title. Minsan po kasi pumupunta ako sa room ni daddy tapos po nakita ko 'yon na nakasulat sa word

