GLASE POINT OF VIEW Nakakainis naman! Bakit ko ba sinabi 'yon? Dapat hindi ko na sinabi 'yon. Nagsisisi na ako, nadala ako masyado ng emosyon ko. Nahihiya akong humarap kay Sir Kellix. Siya pa rin naman ang nagligtas sa akin nang muntik na akong magahasa. Dapat humingi ako sa kaniya ng sorry. Bigla kong narinig na bumukas ang pinto, hindi ko pala iyon na-lock. Kaagad kong pinunasan ang luha ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto at tunog ng lock nito. Huminga ako nang malalim. Nararamdaman kong papalapit na siya nang papalapit. Hindi ko lang siya makita dahil nakatalikod ako. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. “Glase...” Paano ko ba siya haharapin? Nahihiya na talaga ako. “S-sir Kellix...” “I'm sorry for what I've said before. I didn't mean it. I'm very sorry,” aniya. Kahit

