GLASE POINT OF VIEW Sumapit na naman ang gabi at napatulog ko na Si Krizza dahil sa mga fantast story ko. Nakangiti kong sinara ang pinto ng kuwarto ni Krizza nang lumabas ako. Ngunit, maya-maya pa'y nawala na lang ang ngiti ko nang makita si Sir. Malalim ang titig niya sa akin. Dahil ba ito sa nangyari kanina? “Mag-usap tayo,” seryoso niyang saad at naglakad na palayo. Kaagad naman akong sumunod sa kaniya. Marami kaming pasikot-sikot na dinaanan at napunta kami sa tapat ng isang kuwarto. Kuwarto niya ba 'to? Salamin halos ang pader at may kung anong makapal na kurtinang pantakip. Napakarami rin na libro sa loob at malaki talaga ang bookshelves niya. “A-ano pong p-pag-uusap natin Sir? T-tungkol po ba sa k-kanina?” nauutal kong tanong. Medyo kinakabahan ako, paano kung tanggalin niya

