GLASE POINT OF VIEW Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sir Kellix ay hinatid niya na ako sa kuwarto ko. Pumunta rin doon ang kapatid niyang si ma'am Danela para ibigay ang damit. “Daddy!” Napalingon naman kami sa pinto ng kuwarto nang bumukas 'yon. Tumambad sa amin ang anak ni Sir Kellix. “Daddy, I can't sleep po. G-gusto ko p-pong b-basahan ako ng fairy tale stories kaso po nagsasawa na ako. Paulit-ulit na lang po k-kasi eh,” agad na sabi nito. Dahil bata pa lang ay sa legs lang ng ama napakapit. “Okay, ako na bahala. Let’s go to your room Krizza. Matutulog na siya, okay? Say good night to her,” kaagad na tugon ni Sir sa anak. Nakaramdam naman ako ng inggit sa bata. Hindi ko naranasang alagaan ng ama. Lumaki akong walang ama. Lumaki akong puro hirap ang naranasan sa piling ng ina.

