GLASE POINT OF VIEW Pagkagising sa umaga ay sabay-sabay kaming kumain. Medyo nabawasan na ang nararamdaman kong hindi pagiging komportable. “Kumain ka lang nang kumain hija. Huwag kang mahihiya sa amin. Welcome na welcome ka rito,” nakangiting saad ni Sir Klojin, ang ama ni Sir Kellix. “Salamat po,” nakangiti kong tugon. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang matapos. “Lay, ikaw na ang bahala riyan. Glase, can we talk?” Napatingin naman ako kay ma'am Chaira. “Sige po ma'am,” tugon ko rito. Nang maglakad siya palabas sa kusina ay sumunod ako. Umabot kami sa may garden ng mansion. “Ano pong pag-uusapan natin ma'am Chaira?” tanong ko. “You're so beautiful hija. You know what, I like you for my son,” nakangiti niyang aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko. “Ma'am Chaira—” “I'm not do

