Chapter 40 ISABELLA'S POV "Sir, may problema po ba?" tanong ni Shirley nang makitang parang balisa si Raine. "Ano po ang sasabihin ko sa kanila?" "Di ba bukas ng hapon naka-schedule 'yong pagbisita ko sa site?" "Yes, sir. Sinabi ko po na puno ang schedule n'yo, but they insist." "Bakit daw?" Parang hirap na hirap si Raine magsalita. "Tungkol daw po sa negosyo ng papa n'yo. 'Yon lang po ang sinabi." Di na ako nakatiis. Lumapit na ako sa kanila. Ramdam ko ang takot at pangamba ni Raine. "Do you want me to handle this, babe?" tanong ko sa kaniya. Nagulat naman si Shirley sa sinabi ko. Nakita ko ng pag-irap niya sa akin. "No. I think it's about time na makilala niya ang presidente ng M.E." "Sigurado ka?" Tumango siya. "Shirley, i-cancel mo 'yong pagbisita ko sa site. Makikipag-meeti

