Chapter 39 ISABELLA'S POV Pagdating namin sa bahay naligo agad ako. Nanlalagkit na ang katawan ko. Dalawang beses kaming napalaban ni Raine ngayong araw. Siguro kung hindi ako natuto ng martial arts, hanggang ngayon magiging pabigat pa rin ako sa kaniya. Habang nagto-toothbrush ako, nakaramdam ako ng pakahilo. Para akong matutumba kaya napakapit ako sa sink. Ilang minuto rin ako sa ganoong ayos. Kahit bagong paligo, pinagpawisan ako ng malamig. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Nitong mga huling araw lagi akong nakakaramdam ng pagkahilo. Nang di na ako masyadong nahihilo, tinapos ko na ang pagto-toothbrush at nagbihis. Naupo ako sa kama at nagsuklay ng buhok. "Babe? May masakit ba sa 'yo?" tanong ni Raine. Di ko namalayan na pumasok na pala siya sa kuwarto. "Namumutla ka." Umupo

