Chapter 34 RAINE'S POV Nanghilakbot ako nang makita ko si Isabella. Duguan ang mga braso't kamay nito. Lumuluha. "Babe, I didn't mean to. B-believe me," sabi niya sa akin sa nanginginig na boses. Bigla niya akong niyakap at umiyak nang umiyak sa dibdib ko. Nakatingin lang sa amin si Vin. Nag-aalala. "Ang bilis ng pangyayari, boss. Di ko akalaing..." Napailing siya. Di ko na nabigyan ng atensiyon ang mga sinasabi ni Vin, dinala ko si Isabella sa loob at nilinisan. Kailangan niyang malinisan. May mga talsik ng dugo ang mukha niya maging ang suot niyang damit. Malansa iyon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Hindi ko naman siya makausap nang maayos. Nagsasalita naman siya pero hindi ko maintindihan. Animo'y isa siyang batang nakagawa ng kasalanan at natatakot na mapagalitan

