Chapter 37 ISABELLA'S POV "Bakit, iha? Interesado ka ba sa panganay ng mga Monteero? O sa kasunduan nila ng ama mo?" Kasunduan? May kasunduan sila? Ano naman kaya 'yon? "Boss, anong gagawin natin sa anak ni del Mundo?" tanong no'ng lalaki na nasa likod ni Raine. "Hayaan mo lang 'yan. Wala namang magagawa 'yan. Babae 'yan, walang alam. Sa kama lang ang pakinabang niyan." "'Wag mong minamaliit ang kakayahan ng babaing tinutukoy mo. Marami ang namamatay sa maling akala," wika ni Raine. Prenteng-prente ito sa pagkakaupo na animo'y walang takot kahit may nakatutok na b***l sa ulo. Di naman siya pinansin nito. Kinausap niya si daddy. "del Mundo, gaya ng sabi ko kanina, nandito na sa bansa ang panganay ni Javier. Ngayon kapag hindi mo tinapos si Javier, humanda ka na sa anak niya. Kalat

