Chapter 10 ISABELLA'S POV Tanghali na nang magising ako. Ang sakit ng ulo ko, para itong mabibiyak. Hindi talaga ako sanay uminom ng alak. Pinilit kong bumangon para maligo. Ngayon ang dating nila daddy. Kailangan kong magpunta ng airport para sunduin sila. Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para kumain. Kailangan kong magmadali baka nandoon na sila daddy. "Mabuti at nakabihis ka na, iha. Kumain ka na at nang makaalis na kayo. Baka nandoon na ang mga magulang mo," wika ni yaya. "Opo, yaya. Si Tita Elinita, sasama po ba?" "Hindi 'ata. Umalis,eh. Maigi nga at di isinama 'yong driver." "Ah, gano'n po ba? Sabay na po tayo kumain." "Tapos na ako kumain, iha. Kumain ka na. Aayusin ko lang ang kuwarto mo." "Sige po, yaya." Pagkaalis ni yaya ng kusina, sinimulan ko ng kumain. Kailangan

