Chapter 11 ISABELLA'S POV "Hey, are you okay? Parang wala ka sa sarili," nag-aalalang wika ni Raine matapos pulutin ang bag ko. "Buti dumating ka, Papa Raine. Kaninang umaga pa 'yan wala sa mood." "Shut up, Stephen," angil ko. "Ay, kaloka. Beastmode ang lola n'yo." "Tumigil ka na kasi Stephen," saad ni Liza at hinarap ako. "Napagalitan ka ba ni tito, Issa?" "Hindi naman. Mauna na kayo. Susunduin ako ni daddy." "Mauna na kayo ni Stephen, Liza. Ako na ang maghahatid sa kaniya. Naipagpaalam ko na siya sa parents niya." "Okay, Papa Raine. Ikaw na ang bahala sa kaniya. Bye, Issa." "Bye, Issa," paalam ni Liza. "Is there anything you want to talk about?" wika niya nang nasa loob na kami ng kotse. Hindi pa niya pinapaandar ang kotse at wala yatang balak umalis hangga't di ako kumikibo.

