Chapter 28 RAINE'S POV "Ano bang ginawa mo buong magdamag at di mo man lang nagawang sagutin ang mga tawag ko!" angil ni Tooffer. Napakalakas ng boses nito. Bigla itong pumasok sa loob at walang pakialam kahit nabangga niya ako. Di ako makahuma sa ikinilos niya. Kahit tauhan ko ito, itinuring ko na rin siyang kapatid. Marami na rin siyang nagawa para sa pamilya namin. Ngayon lang ito nagkaganito. "Alam mo bang alalang-alala kami sa 'yo? Ano na lang ang sasabihin namin sa parents mo kung malaman nilang patay ka na?" "Pwede ba, Tooffer, hinaan mong boses mo. At saka bakit ka galit? Ano bang ikinagagalit mo? Heto, o buhay ako. Kausap mo 'ko." Mahina lang ang boses ko. Ayokong marinig ni Isabella ang pag-uusap namin. "Tinawagan ako ni Liza. Hinahanap niya si Isabella. Buti hindi ka nakasa

