Chapter 29 RAINE'S POV Nilisan ko ang bahay ng mga del Mundo nang may ngiti sa labi. Masaya ako sa kinalabasan ng gabing iyon. Hindi tumutol si Tito Al sa planong pagpapakasal namin ni Isabella. 'I'm not losing my daughter, I'm gaining a son,' naalala ko pang wika niya. Napakuot-noo ako nang madatnan ko si Tooffer sa labas ng bahay. "O, bakit nandito ka? Dapat nasa bar ka ngayon, ah," bungad ko sa kaniya. "May kailangan tayong pag-usapan, Leester," wika niya. Napakaseryoso niya. Ibang-iba sa Tooffer na kilala ko. Ang Tooffer na dinadaan sa biro ang mga bagay-bagay. "Oo ba." Inaya ko siya sa loob. "Sabi mo nga dati 'ang importante, mahalaga'." Tumawa ako matapos sabihin iyon ngunit di man lang nagbago ang kaniyang reaksiyon. Seryoso pa rin iyon. "Anong tingin mo do'n sa tiyahin ni

