Chapter 30 ISABELLA'S POV Malayo pa tanaw ko na ang nakangiting si Tooffer. Maaliwalas ang mukha nito. Di kagaya kahapon na akala mo pinagbagsakan ng langit at lupa. "Hi, Tooffer," bati ni Stephen. Tumango siya at nakipagbatian sa amin ni Liza. "'Asan si Papa Raine?" Tumingin si Stephen sa likuran ni Tooffer sa pag-aakalang nakasunod lang ang hinahanap. "Hindi siya makakapunta kaya pinakiusapan niya akong sunduin si Isabella." "Sayang wala 'yong guwapong papa." "Naghahanap ka ng guwapo, e nandito naman ako," nakangiting biro nito at tumingin sa gawi ni Liza. "Nasanay kasi kami na nakikita si Papa Raine araw-araw, di ba, Liza?" Tumango naman si Liza. "So, hindi ka na sasabay sa amin, Issa?" "May dala kayong sasakyan?" tanong ni Tooffer. "Sabay na kayo sa amin. Ihahatid ko kayo

