Chapter 31 Mature content! Read at your own risk! ISABELLA'S POV Marami akong natutunan sa loob ng tatlong linggong pagtuturo sa akin ni Raine. Sa umaga, sabay kaming nagwo-workout sa gym na naroon sa loob ng bahay niya. Tinuruan niya rin ako ng ilang basic ng martial arts. Pagkagaling naman sa school, tuturuan naman niya akong mag-drive ng sasakyan. Nakakapagod pero masaya lalo na at kasama ko ang taong mahal ko. Tinuruan niya rin ako ng target shooting no'ng minsang magpunta kami sa Isla Caceres. "Babe, pauwi sina mommy at daddy mamaya," wika ko sa kaniya matapos naming mag-workout. "Do'n tayo sa bahay mamaya, pwede?" "Sure. Do'n tayo didiretso pagkagaling sa school." "Mayroon sana akong ipapakiusap sa 'yo," nag-aalangan kong wika. "What is it?" "Baka pwede 'wag mo ipaalam na t

