Chapter 32 RAINE'S POV Hindi ko inaasahan ang pagdating ni tita. Mas lalong hindi ko inaasahan ang katotohanan sa pagitan nila ni Isabella. Hindi ko lubos maisip na magkikita silang dalawa. Parehas hinahanap ang isa't isa. Si Tita Monica na naghahanap ng nawawalang anak at si Isabella na umaasang makikita ang tunay na ina. Habang nagmamaneho ako, hindi matapos-tapos ang kwento ni Isabella. Napakasaya niya na makita si tita. "Alam mo, babe, kanina akala ko siya ang mama mo." Ngumiti lang ako at sinulyapan siya. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang totoo. Ayokong pangunahan si tita. Natatakot naman siya na sabihin ang katotohanan kay Isabella. But she needs to know the truth. "Ang ganda ganda niya," patuloy niya pa. "Kailan ko kaya siya makikita ulit?" Napatingin siya sa gawi

