Chapter 25 ISABELLA'S POV Mag-aalas kuwatro na nang madaling araw nang magpaalam si Raine. Nahiga uli ako at inalala ang mga napag-usapan namin hanggang sa makatulog akong muli. "Iha, gising," narinig kong wika ni yaya. Tinapik niya ako sa balikat. "Maigi naman at hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto mo." "Yaya, inaantok pa ako," reklamo ko. Di na ako nag-abala pang imulat ang mga mata. "Bumangon ka na, tanghali na. Kailangan mong maghanda para sa party mamaya ng mama ni Liza." Naalala ko 'yong party. Bigla akong bumangon at hinarap si yaya. "Yaya, anong oras na po?" "Mag-aalas onse na ng tanghali. Ang haba ng tulog mo, iha. Nakapagluto na ako ng tanghalian natin." "Naku, yaya. Wala pa pala akong isusuot na damit sa party. Kung nandito lang sana si mommy." Kinuha ko ang phone para

