Chapter 24 RAINE'S POV Gulat na gulat ako nang bumaba kami sa lobby ng hotel nang makasalubong namin si Anton. Of all places bakit dito pa. At mas lalo akong nagulat nang bumeso dito si Isabella at tinawag na tito. Tiyuhin niya si Anton? Kinakabahan ako sa mangyayari. 'Wag naman sana. "Tito Anton, I'd like you to meet Raine, my fiance. Raine, this is Tito Anton, pinsan siya ni daddy." Hindi nakaligtas sa akin ang pagkagulat ni Anton nang banggitin ni Isabella ang salitang fiance. Pinsan pala siya ni Tito Al. "Nice to see you again, Mr. Seville." Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko. Ngumiti rin ito at nakipagkamay sa akin. "Monteero, I thought nasa Isla Caceres ka pa." "Bumalik din agad ako. Maraming kailangang asikasuhin," tugon ko. "Wait. Magkakilala kayo, babe?" Tumango ako. "Y

