Chapter 18 ISABELLA'S POV 'Morning, babe! Can't wait to meet your parents, again. So happy, you made it possible. I love you... Always and forever...' Simpleng mensahe pero tumagos sa puso ko. Gustong-gusto niya talaga makilala ang mga magulang ko. Sana lang maging maayos ang lahat mamayang dinner. Isinilid ko iyon sa drawer kasama ang nauna niyang notes. Napaka-sweet niya talaga. Lalo akong nai-in love sa kaniya. Pagkatapos maligo, nagbihis na ako at bumaba. Nag-aalmusal na sila daddy pagbaba ko. "Morning, mom! Morning dad!" "Ang saya-saya ng baby ko. Blooming ka ngayon, baby. Anong meron?" "Mom!" Tumawa sina mommy at daddy. Nakisabay na rin si Tita Elinita. "Syempre, ipapakilala niya mamaya si Raine," wika ni tita. "Wala ba siyang pasok ngayon, Isabella? I heard sa M.E. siya na

