Chapter 19 ISABELLA'S POV "Iha, matagal ka pa ba?" saad ni yaya nang makapasok sa kwarto ko. "Patapos na po, yaya." Sinipat ko ang sarili sa life size mirror sa aking harapan. Isang kulay peach na dress ang suot ko. Hanggang tuhod iyon at walang manggas. "Ang ganda-ganda ng alaga ko. Bagay na bagay sa 'yo ang damit mo, iha." "Si mommy ang pumili nito, yaya." Kinuha ko sa ibabaw ng tokador ang bracelet ko at isinuot iyon. "Bababa na po ako." "Saglit lang, iha." Lumapit si yaya at sinuklay ang buhok ko. "Ayan, ayos na. Bumaba ka na at kanina pa sila naghihintay. Kanina pa dumating si Raine." "Yaya, bakit di n'yo po sinabi agad? Dapat pala kanina pa ako bumaba. Sige po, yaya," kinakabahan kong wika. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Pababa na ako ng hagdanan nang maulinigan ko an

