Chapter 3

1752 Words
Chapter 3 Hindi na sila nagtagal sa loob ng subdivision  na iyon. Matapos makapili ng bahay na bibilhin, tinawagan niya ang kaniyang abogado para ayusin ang mga kakailanganing papeles. Habang nagmamaneho pabalik sa condo, hindi maalis sa kaniyang gunita ang nakilala niyang dalaga kani-kanina lang. May bumundol na namang kaba sa kaniyang dibdib nang maalala niya ang mukha nito, ang mga mata na tila laging nakangiti at ang mala-Angelina Jolie nitong mga labi. 'Kasarap sigurong halikan ng mga labing iyon!'  sigaw ng utak niya. Napangiti siya sa sarili sa isiping iyon. Ngayon lang siya nagkaganito sa isang babae. Hindi nakaligtas kay Tooffer ang pag-ngiti-ngiti ni Lester habang nagmamaneho. "Dude, mukhang tinamaan ka do'n sa babae, ah," tukso nito sa kaniya habang nilalaro ang hawak na cellphone sa kanang kamay. Tiningnan niya ito saglit at ibinalik din ang paningin sa daan. "Shut up, Tooffer." Bumalik sa normal ang ekspresiyon ng kaniyang mukha, 'yong tipong wala kang mababanaag na emosyon. "Sayang, kinuha ko pa naman 'yong number ni Isabella," halos pabulong na wika nito. "Ang daldal mo! Kunin mo na lang 'yong envelope sa backseat at tawagan mo ang mga numero na nandoon. Mag-set ka ng meeting sa kanila bukas at exactly ten o'clock in the morning," utos niya. Tumalima naman ito. Kapag ganito ag mood niya, alam na ni Tooffer kung paano siya pakikisamahan. Magkababata sila at di nagkakalayo ang kanilang edad. Parang kapatid na rin ang turing niya dito. Sampung taong gulang pa lang ito nang kupkupin ng kaniyang Mama at Papa dahil namatay ang totoo nitong mga magulang. Ang kaniyang mga magulang na ang nagpa-aral dito hanggang sa makatapos ng kolehiyo. Sa mga tauhan ng kaniyang ama, bukod tanging si Tooffer lamang ang nakakapagbiro sa kaniya. May pagka-kalog ito kung minsan ngunit mapagkakatiwalaan sa mga bagay-bagay na kailangang itago. "Okay na, boss. Natawagan ko na sila," saad nito matapos ibalik ang envelope sa backseat. "Kumpirmado, dadating sila bukas." Nakahinga siya nang maluwag sa sagot na iyon ni Tooffer. Importante ang meeting bukas at dahil dadalo ang lahat ng kasapi sa kanilang grupo, doon niya malalaman kung sino ang tapat at kung sino ang traydor. "Dapat nando'n ka sa meeting bukas. Agahan mo ang pagpunta do'n," wika ni Leester matapos iparada ang kotse sa labas ng condo na pag-aari ng kanilang pamilya. "Areglado, boss." Pagkababa ni Tooffer, pinaharurot niya ang sasakyan papuntang kabisera ng lalawigan. Papunta siya sa club na pag-aari nila na isa sa mga negosyong pinagkakakitaan ng kanilang pamilya. Kilala ang club na ito sa buong probinsiya dahil dinudumog ito ng mga mayayamang tao, lalo na ng mga kabataang mahihilig sa nightlife. Isa lamang itong ordinaryong club sa paningin ng karamihan ngunit kung iyong pagmamasdan ang kaloob-looban nito, mamamangha ka sa iyong makikita. Alas kuwatro pa lang nang hapon kaya sarado pa ang club ngunit ganitong oras dumadating ang kanilang mga empleyado. Pagpasok niya sa loob ay agad naman siyang nakilala ng mga trabahador. Tumigil ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa at nagbiga-galang sa kaniya. Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar na iyon. Malaki ang pinagbago ng club. Ang dating mint green na pintura sa wall, ngayon ay black and gray na. Mayroon na ring mga couch sa paligid. Ngunit natawag ang kaniyang pansin sa dalawang mahahabang tubo o pole na nasa gitna ng stage. Alam niya kung para saan ang pole na iyon ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit nilagay ito doon gayong i***********l niya ang pagsasayaw ng mga GRO sa stage na iyon. Kokomprontahin niya si Tooffer tungkol doon. Iiling-iling siyang naglakad papunta sa maliit na opisina ng club na iyon. Sinenyasan niya ang waiter na dalhan siya ng alak sa loob. Napangiti siya nang makapasok sa sa silid na iyon. Buti na lang at hindi pinakialaman ang kaniyang opisina. Gano'n pa rin ang hitsura nito. Kulay abo ang pintura ng wall. Wala namang masyadong laman ang silid na iyon maliban sa isang mahabang itim na leather couch, isang swivel chair at office desk na may dalawang upuan sa harapan. Hinubad niya ang suot na jacket at iniitsa sa couch pagkatapos isinilid niya ang dalang b***l sa drawer ng mesa. Umupo siya at ipinatong ang mga paa sa mesa habang hinihintay ang waiter. Dahil sa pagod at walang maayos na tulog simula kagabi, hindi niya namalayan na naka-idlip na siya. Dumating ang waiter dala ang iniutos niya. Inilapag nito sa mesa ang tray na may nakalagay na alak, wine glass at ice bucket. Matapos mailapag ang tray ay mabilis nitong nilisan ang silid na iyon nang mapansing tulog siya. Naalimpungatan siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang makita niya sa screen ang pangalan ni Tooffer ay mabilis niyang kinansela ang tawag. Tiningnan muna niya ang oras at ipinatong ang phone sa mesa. Lagpas alas singko na nang hapon. Saka lang niya napagtanto na naka-idlip siya habang nakaupo. Napansin niya ang bote ng  alak sa ibabaw ng mesa. Akmang kukunin na niya ito nang may matabig siyang bagay dahilan upang malaglag iyon sa sahig. Napadako ang kaniyang paningin kung saan bumagsak ang bagay na iyon at napansin niya ang mga bubog na nakakalat. Natigilan siya sa kaniyang nakita. Isang larawan. Larawan ng isang babaing minsan ay naging bahagi ng buhay niya. Si Aurora. Ang babaing mahal niya. O mas tamang sabihin na ang babaing minahal niya. Pinulot niya iyon at habang pinagmamasdan ang larawan, bumalik sa kaniya ang mga alaala na pilit niyang kinakalimutan. Nangako ito na hihintayin ang kaniyang pagbabalik ngunit wala pa siyang dalawang buwan sa Amerika nang mabalitaan niyang may iba na itong kasintahan. Hindi siya naniwala noong una. Hanggang sa magkurus ang kanilang landas sa New York. May kasama itong lalaki nang matanaw niya mula sa glass window ng hotel na kaniyang tinutuluyan. Medyo pamilyar sa kaniya ang mukha ng lalaking iyon. Parang nakita na niya ito sa isang party na kaniyang dinaluhan sa Pilipinas. Lalabas na sana siya ng hotel para lapitan ang dalawa nang mapansin niya ang mga tauhan nito na parang mga asong nakabuntot sa kanilang amo. Nag-igting ang kaniyang mga panga nang mapadako ang kaniyang paningin sa kamay ni Aurora at ng lalaking kasama nito.  Nanggigigil siya sa galit. Magka-holding hands ang mga iyon habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na coffee shop.  Lalong nadagdagan ang galit niya nang makita niya kung paano halikan ng lalaking iyon si Aurora. Gustong gusto niyang sugurin ang dalawa. Gusto niyang lumapit ngunit hindi pwede. Nasa labas ng coffee shop ang mga alipores nito at hindi maganda kung bigla bigla na lang siyang susugod. Kailangan niyang maghunos-dili sa pagkakataong iyon. Dumoble pa ang sakit na kaniyang nararamdaman nang makita niya kung gaano kasaya si Aurora habang kasama ang lalaking iyon. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Parang pinipiga ang kaniyang puso. Hindi niya alam kung bakit nagawa nitong ipagpalit siya sa iba gayong minahal niya ito ng lubos. "Hanggang ngayon hindi ka pa nakaka-move-on sa kaniya." Bumalik ang kaniyang diwa sa kasalukuyan nang marinig niya ang tinig ni Tooffer. Nakatayo ito sa may pintuan at pinagmamasdan siyang nakatulala habang hawak ang litrato sa kanang kamay. Inilapag niya ang litrato sa mesa at nagsalin ng alak sa baso. Sumimsim siya ng alak. 'Di niya alintana kahit nalasahan niya ang pait niyon. Isa iyon sa mga bagay na nakakapagpabawas ng mga problema niya. Muli niyang iniangat ang baso para uminom, ngunit hindi pa man ito nasasayaran ng kaniyang labi, ay buong lakas niya itong itinapon at tinamaan ang pinto. Nagulat si Tooffer sa inasta niya. "Dude, relax. Hindi ma-s-solve ang problema mo kung ganyan ka." "Hahanapin ko ang lalaking iyon at at ako mismo ang papatay sa kaniya." Nagtagis ang kaniyang mga bagang habang nagsasalita. Mababanaag sa kaniyang mga mata ang labis na galit habang  nakakuyom ang kaniyang mga kamao. "Calm down. Huwag mong sirain ang sarili mo dahil lang sa kanila. Daming babae diyan." "Get out, Tooffer! Get out!" bulyaw niya. "Okay, okay. Lalabas na ako," wika nito at itinaas pa ang dalawang kamay na tila sumusuko. Nang makalabas na ito, ay umupo siya at kinuha ang bote ng alak sa ibabaw ng mesa. Akmang tutunggain na niya iyon, nang bumukas uli ang pinto at iniluwa niyon si Toofer. "Nga pala, dude, parating na yung mga chics na in-order ko kay Atlas. Magagaling daw ang mga iyon. Primera klase. Tamang tama para sa mga brokenhearted na kagaya mo." At humalakhak ito nang malakas na animo'y nang-iinsulto. "Gago! Matagal na akong naka-move-on." Pagkasabi niyon, ay ibinato niya ang bote ng alak sa nakatawang si Tooffer. Buti na lang naisara nito bigla ang pinto kaya hindi ito natamaan. Naririnig pa rin niya ang boses nito habang papalayo ng kaniyang opisina. ALAS ONSE na nang gabi nang lumabas siya ng silid na iyon. Kaagad naman siyang inabutan ng alak ng waiter. Mula sa kaniyang kinatatayuan, kitang kita niya ang galaw ng mga tao. Tila mas lalong dumami ang mga parokyano ng club kaysa noong siya pa ang nagpapatakbo nito. Nagkakasiyahan ang mga tao sa loob ng club na iyon. Nasa dance floor ang iba at sumasayaw sa maharot na tugtugin. Lumapit siya sa bar counter at umupo. "Scotch, boss?" narinig niyang wika ng bartender subalit 'di niya iyon pinansin. Naka-focus ang kaniyang atensiyon sa lalaking bagong dating. Dahil medyo madilim, 'di niya masyadong makita ang mukha nito. Matangkad ito at medyo nakausli ang tiyan. Subalit naalarma siya nang makita niya ang b***l na nakasuksok sa tagiliran nito. Inukopa nito ang katabing upuan at um-order ng alak. Ilang minuto lang ang dumaan nang marinig niyang may kinakausap ito. Bahagya siyang sumulyap sa gawi nito at kitang kita niya ang tatto sa palapulsuhan ng kaliwang kamay. Hindi siya maaaring magkamali, kaparehas iyon ng tatto ng lalaking napatay niya kaninang umaga lang. Hindi rin nagtagal umalis din ang lalaking katabi niya. Inalerto niya muna ang mga tauhan ng kaniyang ama at sinundan ang lalaking iyon. Nang makalabas na siya ng club na iyon at masigurong walang tao sa paligid, nilapitan niya ang lalaki na noo'y papasok na sa kotse. Hindi na siya nagdalawang-isip, binunot niya ang kaniyang b***l at hinampas ito sa ulo. Napaigik ito sa sakit at paluhod na bumagsak. Sinapo nito ang ulo habang dumadaing sa sakit kaya sinipa niya ito sa tagiliran para hindi na makapanlaban. Mayamaya ay dumating ang puting van na kinalululanan ng kanilang mga tauhan. Mabilis nilang isinakay ang lalaki sa loob ng van na iyon. "Dalhin 'yan sa warehouse para maimbestigahan," utos niya sa mga iyon. Nang makaalis na ang van, sumakay siya sa kaniyang kotse at tinahak ang daan papuntang warehouse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD