Chapter 4
Halos dalawang oras din ang itinagal ng meeting. Dinaluhan iyon ng mga kasapi ng organisasyong pinamumunuan ng ama ni Leester. At dahil wala ang kaniyang ama, napagkasunduan ng mga miyembro na siya muna ang pumalit sa binakante nitong posisyon. Ibig sabihin siya ang mamamahala sa operasyon ng grupo. Hindi na rin bago sa kaniya ang mga pasikut-sikot pagdating sa kanilang negosyo. Pinalaki siya para doon. Para sumunod sa yapak ng ama. Kilala na rin niya ang mga miyembro ng grupo dahil noon pa man ay nakakadaupang-palad na niya ang mga iyon. Liban na lang sa mga bagong pasok na kailangan kilatisin.
Paglabas niya sa kaniyang opisina sa Monteero Empire Building, dumiretso siya sa parking area. Habang naglalakad, tinanggal niya ang coat and necktie at inilagay iyon sa backseat ng sasakyan. Itinupi niya hanggang siko ang suot na dress shirt bago pinaandar ang kotse.
Pagkatapos ng mahigit beinte minutong pagmamaneho, narating niya ang GML University. Ayon sa lalaking binugbog niya sa labas ng club kagabi, sa university na ito kadalasang tumatambay ang mga kasamahan nito. Sinuri muna niya ang paligid at nang mapansin niyang wala namang kahina-hinala, ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng coffee shop na katapat ng eskwelahan. Papasok siya sa coffee shop at kung nagsasabi ng totoo ang lalaking iyon, malamang hindi siya aalis ng lugar na 'yon nang walang nakukuhang impormasyon.
Pagpasok niya sa loob, nakita niya ang mangilan-ngilang customer na karamihan ay mga estudyante. Ngunit sa isang sulok ng establisimyentong iyon ay napansin niya ang limang lalaki na tila seryoso ang pinag-uusapan. Napadako ang kaniyang tingin sa kalapit na mesa at napangiti siya sa nakita. Kilala niya ang tatlong estudyanteng nakaupo sa mesang iyon. Napansin din siya ng mga iyon. Kinawayan siya no'ng isa saka ngumiti. Tumango naman siya bilang ganti. Napansin niya ang pagbulong nito sa katabing babae na tila kinikilig.
'Perfect timing' sa loob-loob niya.
Matapos mabayaran ang in-order niyang black coffee, pumunta siya sa kinaroroonan ng tatlong estudyanteng iyon.
"Hey, can I join you?" wika niya nang may ngiti sa labi.
"Yeshhh, of course! Raine, my hero," pabebeng sagot ni Stephen sabay lagay ng invisible bangs nito sa likod ng tainga. Umayos ito ng upo na tila binibigyan si Leester ng espasyo para makaupo subalit mas pinili niya na maupo sa tabi ni Isabella. Umikot ang mga mata nito na siya namang ikinatawa ni Liza. Medyo namula naman ang pisngi ni Isabella nang makaupo si Leester at 'di 'yon nakaligtas sa paningin ng binata. Lihim siyang napangiti. Two birds in one stone. Nagtagpo uli ang landas nila ng dalaga na ngayon ay katabi niya at napapakinggan pa niya ang usapan ng limang kalalakihan sa kaniyang likuran. Walang nakakaalam sa tatlong kaharap niya kung ano ang tunay niyang layunin sa loob ng coffee shop na iyon.
"So how are you, guys? Kanina pa kayo rito?"
"Magkakasunod lang tayo," wika ni Liza sabay kuha ng iniinom nitong capuccino. "Ba't nga pala nandito ka? Don't tell me sa GML University ka rin nag-aaral?"
"Nope. May imi-meet akong friend. Napaaga lang ako ng dating," pagdadahilan niya.
Panay ang kwento nina Liza at Stephen samantalang si Isabella naman ay bibihira lang makisali sa usapan. Napapansin 'yon ni Leester subalit abala din siya sa pakikinig sa usapan ng limang lalaki sa kaniyang likuran kaya ngumingiti lang siya sa tatlo o kaya naman maikling oo lang ang isinasagot niya sa mga ito.
Matapos ang mahigit kalahating oras, tumayo ang limang lalaki at kitang kita niya ang tatto ng mga ito nang mapadaan sa kaniyang tabi. Kumuyom ang kaniyang mga palad kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga. Gusto na niyang tumayo para patayin ang mga ito ngunit napansin iyon ni Isabella. Hinawakan siya nito sa braso dahilan upang makaramdam siya ng tila bolta-boltaheng kuryente sa buong katawan niya. Nagsalita ang dalaga kaya napatingin siya sa gawi nito.
"Something's wrong, Raine?" wika nito nang magtama ang kanilang paningin. Nababasa niya sa mga mata nito ang pag-aalala. Natitigan niya ang medyo singkit na mga mata nito at ang mga labi na tila may ginigising sa kaniyang kamalayan.
'Damn those lips! You're like a kryptonite that weakens my senses!" sigaw niya sa kaniyang utak. Tila naman napaso ang dalaga sa pagkakahawak sa braso ni Leester kaya bigla nitong binitawan ang braso ng binata.
"No. There's nothing wrong," wika niya nang makabawi. Sa gilid ng kaniyang mga mata, nakita niyang papalabas na ng coffee shop ang limang lalaki. "By the way, what time is your next subject?"
"Actually, katatapos lang ng last subject namin kaya naisipan namin na tumambay dito. We'll go home later."
Tumunog naman ang phone ni Leester. Matapos mabasa ang message, tumingin siya sa dalaga at ngumiti. "Well, I can take you guys home, if you like. I bet nasa pagawaan pa 'yong kotse?" Tumingin siya kina Liza at Stephen na tila nangungumbinsi. Bigla naman nangislap ang mga mata ng huli sa narinig.
"Yes na yes. Pwedeng pwede."
"'Kaw talaga, bakla..." wika ni Liza at may ibinulong kay Stephen.
"Akala ko may imi-meet ka na friend ngayon?" tanong ni Isabella.
"Kakabasa ko lang ng text niya. May nangyari daw sa bahay nila kaya 'di siya makakarating."
Nagkwentuhan pa sila ng kung anu-ano bago nagpasiyang umuwi ang tatlo. Sakay ng kotse ni Leester, tinahak nila ang daan patungo sa bahay nina Liza. Masayang kasama ang tatlo. Lalo na ang baklang si Stephen dahil 'di matapos tapos ang kwento nito na puro katatawanan. Unang nagpahatid si Liza kahit ito ang pinakamalayo. Lingid sa kaalaman ni Isabella sinadya iyon ni Liza para magkasarilinan ang dalawa. Sunod niyang inihatid si Stephen. Dalawang blocks lang ang pagitan ng bahay nito at ng bahay ni Liza.
Nang bumaba ng kotse si Stephen, pumunta ito sa gawi ni Isabella at bumulong. "Girl, in fairview, ang gwapo. 'Wag mo ng pakawalan," wika nito na tila pinipigilan ang pagtili. Kumindat pa ito sa dalaga bago tumingin sa gawi ni Lester. "Bye, handsome. Thanks for the ride and please take care of my friend."
"Yeah, I will." Lumuwang ang pagkakangiti ni Leester dahil narinig niya ang mga sinabi nito kay Isabella. Natatawa namang umiling ang dalaga.
Bumuntong-hininga si Leester bago ini-start ang engine. Papalabas na sila ng subdivision at patungo na sa kabilang subdivision kung saan nakatira ang dalaga. Mga kinse minutos din ang layo no'n. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse. Kabaliktaran ito kaninang kasama pa nila ang dalawa. Tumikhim muna si Leester bago nagsalita.
"Saang subdivision ka nakatira? Ngayon lang kasi ako nagawi rito, e." Nilingon niya ito at nahuli niyang nakatingin sa kaniya. Mabilis namang umiwas ng tingin ang dalaga. Medyo namula ang pisngi nito na labis na ikinatuwa ng binata.
"V-vienna Hills. Diretso lang, medyo malayo pa ang amin," nauutal na wika nito at itinuon ang pansin sa labas. Nakakahiya. Baka mahuli uli siya na nakatitig sa gwapong mukha ng binata.
"Ano nga pala ang kursong pinag-aaralan mo?" tanong niya para kahit papaano ay mawala ang pagkapahiya nito.
"Business Management. Second year. Ganun din sina Liza. Makakaklase kaming tatlo." Marami pa silang napag-usapan hanggang sa matanaw niya ang gate ng subdivision kung saan ito nakatira. Gusto pa niyang makausap si Isabella kaya binagalan niya ang pagmamaneho.
Itinigil niya ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay ng dalaga. Bago niya ito pinagbuksan ng pinto ay inaya niya muna ito para sa isang date sa susunod na linggo na siya namang pinaunlakan ng dalaga.
Nilisan niya ang lugar na iyon nang may ngiti sa labi. Napapayag niya si Isabella para sa isang date at nakuha niya pa ang phone number nito.
Pinasibad niya ang kotse nang makalabas siya ng subdivision. Kailangan niyang magmadali papunta ng warehouse. 'Di pa siya tapos sa lalaking iyon. Maraming katanungan ang nagsasalimbayan sa kaniyang isipan na nangangailangan ng kasagutan. Marami siyang nalaman sa pakikinig niya sa usapan ng mga lalaki sa loob ng coffee shop na iyon.
Masyadong okupado ang kaniyang utak tungkol sa mga narinig niya at 'di niya napansin ang kulay itim na kotse na kanina pa sumusunod sa kaniya. Tinted ang salamin kaya 'di makita ang tao sa loob. Papaliko na siya sa intersection kaya ibinaling niya ang paningin sa side mirror ng sasakyan. Matapos i-on ang signal light napansin niyang ibinaba ang salamin ng itim na kotse sa may gawi ng passenger seat. Kasabay niyon nakita niya ang paglabas ng dulo ng kalibre 45 na b***l at pinaputukan siya. Mabilis niyang nailiko ang kotse pakanan at binilisan ang pagpapatakbo nito. At dahil nagkulay pula ang traffic light, napilitang tumigil ang kotseng itim. Panay naman ang mura ng driver. Hinampas nito ang manibela sa sobrang gigil. "Putcha, naabutan na sana natin. Peste kasing traffic light na 'to". Walang nagawa ang mga ito kundi maghintay hanggang sa magkulay green ang traffic light.
"Huh! Muntik na ako dun, ah. Buti na lang naabutan sila ng traffic light. Hahaha!" Leester said with a smirk on his face. Alam niyang susunod ang mga iyon, kaya may naisip na siyang plano. Iginarahe niya ang kotse sa 'di kalayuan. Medyo tago ang lugar na iyon, masukal kaya 'di mapapansin ang kaniyang sasakyan. Kinuha niya ang 9mm pistol sa sasakyan at bumalik sa tabi ng highway para abangan ang pagdaan ng itim na kotse. Habang nag-aantay, tumawag siya ng backup dahil 'di niya alam kung ilang kotse ang sumusunod sa kaniya.
Hindi nagtagal, dumaan ang kotse. Nakadapa siya kaya 'di siya napansin. Una niyang binaril ang gulong sa kaliwang bahagi sa unahan. Sunod niyang binaril ang salamin sa gawi ng driver's seat at alam niyang tinamaan ang driver kaya nawalan ng kontrol ang kotse. Tatayo na sana siya para lapitan ang kotse, nang biglang magpaputok ang mga ito. Natamaan siya sa kaliwang braso. Napahiga siya nang makita niya ang dugong lumalabas mula sa sugat. Naririnig pa rin niya ang mga putok ng b***l na nanggagaling sa kotse. Hinubad niya ang suot na dress shirt at pinunit niya iyon para matalian ang sugat niya.
Mayamaya pa ay may tumigil na SUV sa kaniyang tabi. "Boss, sakay!" sigaw ng isa sa mga tauhan niya at binuksan ang pinto ng dalang SUV. "May tama kayo, boss," nag-aalalang saad nito.
"Layo nito sa bituka," wika niya habang iniinda ang sakit mula sa dumudugong sugat.