Chapter 5
Papalubog na ang araw nang dumating sila sa warehouse. Nang mai-park na ang SUV, agad nagsikilos ang kaniyang mga tauhan. Nagmadali ang mga ito na buksan ang pinto ng sasakyan para maalalayan siya papunta sa infirmary.
"Hoy, mga gunggong! Bitawan n'yo nga ako. Kaya kong maglakad papunta sa infirmary!" singhal ni Leester sa mga tauhan. "Hindi ako imbalido!" Naiwan ang mga itong naiiling sa ikinilos ng amo. Mariin naman niyang hinawakan ang kaniyang sugat habang naglalakad.
Sa mga taong lumipas, sanay na siyang mabaril, masugatan. Sanay ng sumalo ang katawan niya ng bala na galing sa mga kalabang grupo. Pinilit niyang yakapin ang ganoong buhay. Mahirap sa una, pero nang tumagal, unti-unti ring na-adapt ng kaniyang sistema dahil kailangan.
It's inevitable. 'Yon ang lagi niyang rason. Lalo na sa klase ng negosyong meron siya. Ang importante ay lagi siyang handa sa kung anuman ang maaaring mangyari.
Umupo siya sa couch na nasa labas ng infirmary. Dito na lang niya hihintayin ang doktor na tinawagan ni Tooffer.
"Dude, mukhang natsambahan ka ng mga 'yon, ah," wika ni Tooffer matapos ibaba ang phone. Lumapit ito sa ilang tauhang naglalaro ng baraha. Kinuha ang alak sa ibabaw ng mesa at umupo sa bakanteng sopa sa harap ni Leester.
"Malas nila 'pag nagkurus uli ang landas namin. 'Di ko sila bubuhayin," tanging nasambit niya. Sinipat niya ang sugat na dumudugo pa rin.
"Alak?" alok ni Tooffer. Tila pinag-aaralan ang reaksiyon ng mukha niya. Umiling na lamang siya at lalo pang diniinan ang brasong tinamaan ng bala. Parang wala siyang nararamdamang sakit kahit patuloy na umaagos ang dugo mula sa sugat. "Ang tagal naman ni doc. Dalhin ka na kaya namin sa ospital?" Nagsilapit naman ang ilang tauhan sa kanilang amo dahil napansin nila na tila namumutla na ito sa dami ng dugong nawala.
"'Wag na. Kaya ko 'to," wika niya at isinandal ang ulo sa couch. Inilagay niya sa ibabaw ng tiyan ang tila namamanhid niyang braso. Patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo. Nagkulay pula na ang telang puti na nakatali dito. "Malayo 'to sa bituka."
"Tsk, tsk, tsk. Tingnan mo nga ang hitsura mo. Namumutla ka na. Maraming dugo ang nawala sa 'yo. Tsaka anong malayo sa bituka? Nasa ibabaw kaya ng tiyan mo ang braso mo." Tinuro pa nito ang braso niya na nakapatong sa kaniyang tiyan."Inches lang ang pagitan niyan sa bituka mo, dude. Pa'no naging malayo?" Nagtawanan ang mga tauhang naroroon nang marinig ang sinabi ni Tooffer. Tila naman napikon si Leester. Bigla niyang binunot sa tagiliran niya ang kalibre kuwarenta y singko na b***l. Tiningnan niyang maigi ang b***l na nasa kamay bago nagsalita.
"Anong pipiliin mo? Ititikom mo ang bibig mo o bubutasin ko ang tiyan mo hanggang sa mamutla ka?" banta niya.
"Dude, naman! Ibaba mo 'yan. Baka aksidente mong makalabit ang gatilyo, matodas ako nang wala sa oras. Paano na 'yong mga chics na nag-aabang sa kaguwapuhan ko."
"Then you better shut your f*****g mouth. Hindi ako nakikipag-biruan sa 'yo."
"Relax lang. Ibaba mo na 'yan." Dahan-dahan siya nitong nilapitan at ibinaba ang b***l na hawak niya. May narinig naman silang bumusina sa labas. "Baka si doc na 'yan. Dito ka lang. Titingnan ko." At mabilis itong tumalilis sa takot. Alam nitong hindi siya nagbibiro. Sabay sabay namang nagtawanan ang mga tauhan niya sa ikinilos ni Tooffer. Matalim niyang tinitigan ang mga ito. Dinampot niya ang b***l na kalalapag lang at nagsalita.
"Aalis kayo sa harapan ko o pasasabugin ko isa-isa ang mga utak n'yo?" Tila naman napahiya ang mga ito.
"Sorry, boss." Sabay sabay na saad ng mga ito at nagsipag-alisan na sa harap ng kanilang amo. Dahan dahan naman siyang naglakad papunta sa clinic.
Magkasunod na pumasok ng warehouse sina Tooffer at ang doktor. Tumuloy sila sa infirmary para maihanda na ang mga gagamitin sa pagtanggal ng bala sa braso ni Leester.
KINABUKASAN nagising siya sa ingay ng mga tauhan niya sa labas. Sumakit ang ulo niya sa lakas ng boses ng mga ito. Bumangon siya at naupo sa kama habang pinapakiramdaman ang braso na may benda. Nang medyo maayos na ang pakiramdam, tumayo siya para alamin kung ano ang pinagkakaguluhan sa labas. Dinampot niya ang b***l sa ibabaw ng mesa at tuluyang lumabas.
"Huwag kang maduga, Vin. Panalo ako," wika ni Gener.
"Ako ang panalo, Gener. Tingnan mo naman ang baraha ko." At nilapag nito ang baraha sa mesa. 'Di naman magkamayaw ang ilang mga tauhang nanonood sa dalawa. Palibhasa mga basagulero at sanay na makakita ng away, sinulsulan pa nila sina Vin at Gener.
"Suntukan na lang. Matira matibay. Kay Gener ako pupusta. Sanlibo," sigaw ni Jigs at iwinagayway nito ang isanlibong pisong papel.
"Sige. Kay Vin naman ako. Akin na ang mga pusta n'yo. Ako ang hahawak. Mamaya dugain n'yo pa ako," sagot naman no'ng isa at binalingan sina Vin at Gener. "O, ano pang hinihintay n'yo? Simulan n'yo na nang maaliw naman kami rito." Tumayo naman ang dalawa. Isinalya ni Vin ang monobloc chair nang biglang marinig nila ang sunod-sunod na putok ng b***l. Sabay sabay silang napalingon sa pinagmulan niyon.
"Anong kaguluhan ito?" sigaw ni Leester at ibinaba ang kanang kamay na may hawak ng b***l. Nlapitan niya ang mga iyon. Itinutok niya ang b***l kina Vin at Gener at nagsalita. "Kung anuman ang pinag-aawayan ninyong dalawa, huwag n'yo nang palakihin pa. Ayokong may nag-aaway sa grupo ko. Ayusin n'yo 'yan kung ayaw n'yong ako ang umayos sa inyo," banta niya sa mga ito. Tila nahimasmasan naman ang dalawa.
"Sori, boss," wika ng mga ito.
"Jigs, Vin. Sumunod kayo sa 'kin." At nagpatiuna na siya papunta sa likurang bahagi ng warehouse kung saan nila ikinulong si Bert-- ang lalaking binugbog niya sa labas ng club. Nakatali ito sa upuan at ang mga kamay ay nakaposas sa likod. Napangiti ito nang makita siya. Lalong lumuwang ang pagkakangiti nito nang mapansin ang nakabenda niyang braso.
"So, tinatamaan din pala ng bala si superman?" nang-uuyam na wika ni Bert. "Ang akala ko kryptonite lang ang makakapagpahina sa 'yo." At humalakhak ito nang ubod malakas.
"I'll take that as a compliment." Ngumisi si Leester,. Nahagip ng kaniyang mga mata ang mesang naroon. Punong-puno iyon ng iba't-ibang klaseng mga armas. Iniisip niya kung alin sa mga iyon ang nararapat gamitin sa matabil na bunganga ni Bert. Matapos abutin ang balisong ay lumapit siya sa lalaking nakaposas.
"Siguro naman nakikita mo kung ano ang hawak ko." Nginisian niya ito. "Inilapit niya ang balisong sa mukha nito at nagkunwaring hinihiwa ang kabilang pisngi.
"Anong gagawin mo sa 'kin?" Takot ang rumehistro sa mukha ni Bert nang mapansin ang pagkislap ng matalim na bagay na iyon.
"Wala akong gagawin sa 'yo kung masasagot mo nang maayos ang mga tanong ko." Nagpatuloy siya nang wala siyang matanggap na sagot sa lalaking kaharap. Inilapit niya pa ang kaniyang mukha at binulungan ito. "Sino ang lider ng grupo n'yo at bakit gusto n'yo akong patayin?" Hinimas-himas niya pa ang kaliwang pisngi nito saka inayos ang nagulong buhok.
"Sa palagay mo ba sasabihin ko kung sino ang lider ng grupo namin? Hindi ako tanga." Tinitigan siya nito nang ubod nang talim.
"Huwag mo akong gagalitin kung ayaw mong---" Pinutol nito ang iba pa niyang sasabihin.
"Magalit ka hangga't gusto mo. Alam ko namang hindi mo ako papatayin, e. Ako ang may hawak ng alas," wika nito na siya namang ikinagalit niya.
"Sige. Sabi mo, e." Muli siyang ngumisi dahil ayaw niyang ipahalata ang kinikimkim na galit. "Magtiis ka sa mabahong silid na ito hanggang mabulok ka. Tingnan natin kung saan ka dadalhin ng sinasbi mong alas." At inundayan niya ito ng suntok sa tiyan. Namilipit naman ito sa sakit. Sunod niyang sununtok ang mukha nito at sinipa sa dibdib. Natumba ang upuan sa lakas ng pagkakasipa niya sa dibdib nito.
"Itayo n'yo 'yan," utos niya kina Vin at Jigs. Sumunod naman ang dalawa. Muli niya itong nilapitan at hiniwa ang kaliwang pisngi gamit ang balisong. Nagsusumigaw si Bert sa sakit pero tila bingi si Leester dahil nakukuha pa niyang ngumisi habang pinapasadahan ng itngin ang dugong umaagos sa leeg nito.
"Boss, nawalan ng malay," wika ni Vin.
"Kumuha ka ng isang baldeng tubig. Buhusan n'yo ang lintik na 'yan! Pahirapan hangga't 'di kumakanta. May pupuntahan lang ako," wika niya at bago lumabas ng silid na iyon ay itinapon niya ang hawak na balisong sa gawing kanan ni Bert. Tumama iyon sa dingding. Malalim na buntong-hininga lang ang narinig niya mula rito. Tila nabunutan ito ng tinik nang hindi iyon tumama sa mismong mukha niya. Ngumisi lang si Leester. Ang totoo ay hindi naman talaga niya balak patamaan si Bert. Gusto niya lang itong takutin para malaman niya kung ano ang kaugnayan nito sa mga taong may tattoo sa palapulsuhan.
Palabas na siya ng warehouse nang biglang tumigil sa tapat niya ang sasakyan ni Tooffer. Humahangos itong bumaba at lumapit sa kaniya.
"O, anong nangyari sa 'yo, Tooffer? Bakit para kang hinahabol ng pitong demonyo?"
"L-leester, tumawag sa 'kin si Liza. Nasa clinic daw si Isabella. Pilit daw na isinasakay sa kotse ng dalawang lalaki. Buti na lang daw napansin ng guwardiya ng school."