Chapter 6

2188 Words

Chapter 6 Hindi mapakali si Leester sa balitang hatid ng kaibigan. May kaunting kirot pa siyang nararamdaman sa kaliwang braso, subalit di niya alintana iyon. Nag-aalala siya sa dalaga. Pangalawag tawag na niya subalit walang sumasagot sa cellphone nito. "Come on, Isabella. Pick up the phone." Halos itapon niya ang hawak na cellphone sa sobrang gigil. Nang muli siyang tumawag, iba ang sumagot. "Hello," anang nasa kabilang linya. Sa timbre ng boses nito alam niyang si Liza iyon. "Liza, this is Raine. May I speak to Isabella, please," pormal niyang tugon. "Raine. Thank God, tumawag ka. I didn't know your number kaya si Tooffer ang tinawagan ko--" "What happenend to her? How is she?" Hindi na niya pinatapos pa ang kung anumang sasabihin nito. Gusto niyang malaman agad ang kalagayan nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD