Chapter 7 ISABELLA'S POV "Isabella Rose!" Nagulat ako nang marinig ang boses ni yaya mula sa aking likuran. Kunot-noo ko siyang nilingon. Akala ko ay magagalit siya, subalit nakita ko kung paano siya ngumiti sa akin. Tila nanunukso iyong paraan niya ng pagngiti. "Ang alaga ko. Umiibig na." "Yaya... Hindi, ah." "Anong hindi? Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo, di mo naririnig. Kung di pa kita sinigawan, hindi mo ako mapapansin. Masyado kang abala sa pagtanaw doon sa papalayong kotse ni Raine." "Yaya, shhh." Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi para patigilin siya sa pagsasalita. "Huwag po kayong maingay. Baka may makarinig, nakakahiya. Kaibigan ko lang po 'yon." "Kaibigan? Ngayon, oo. Bukas makalawa baka boypren mo na 'yon." Uminit ang pisngi ko sa sinabing iyon ni yaya. "Yaya! Ka

