Chapter 58 ISABELLA'S POV "Akala ko mananatili ka sa tabi ng bestfriend ko anuman ang mangyari. Bakit nagkagano'n?" Bungad sa akin ni Tooffer nang sagutin ko ang tawag niya. "Nangako ka sa akin." Para siyang nanunumbat. "Kumusta siya?" Di ko na naman mapigilang umiyak. Mahal ko siya. Gusto ko siyang puntahan pero nangingibabaw pa rin ang galit sa dibdib ko. Galit para sa kaniyang ama. Si Javier Monteero. Ano ang kasalanan sa kaniya ng tunay kong ina at nagawa niya itong patayin? Siya ang dahilan ng mga paghihirap ko. Kung bakit hindi ko nakilala ang tunay kong ina. Masaya siguro ang kabataan ko kung buhay siya at nasa tabi ko habang lumalaki ako. "Hindi maganda ang lagay niya. Narito siya ngayon sa bar. Lasing na lasing at naghahamon ng away. Kanina pinalabas niya lahat ng bihag at pin

