Chapter 57 ISABELLA'S POV 'Si Javier Monteero...siya ang pumatay sa tunay mong ina.' Para akong nabingi sa sinabi ni dad. Hindi ako makapagsalita. Naitakip ko ang kanang kamay ko sa bibig para pigilan ang napipinto kong pag-iyak. It can't be. Hindi iyon maaari. Umiling-iling ako. Lumapit sa akin si dad at niyakap ako. "Alam kong hindi ka maniniwala pero 'yon ang totoo. Nakita mismo ng dalawang mata ko." "Dad, bakit di n'yo agad sinabi sa akin? Sana naiwasan ko si Raine noon pa." Kumalas si dad at naupo sa tabi ko. "Pasensiya na, anak. Hindi namin inaasahan na ganito ang mangyayari. Napagpasyahan kasi namin ng mommy mo na 'wag ng sabihin sa 'yo tutal wala na rin ang tunay mong ina. Isa pa itunuring ka na rin niya bilang tunay na anak. Pasensiya ka na at inilihim namin ang tunay mong p

