Chapter 56 ISABELLA'S POV Bakit? Bakit niya nagawa sa akin 'to? I love him. I gave everything I have to make this relationship work. Wala akong itinira para sa sarili ko pero nagawa niya pa rin akong lokohin. I chose him over my family pero mukhang hindi pa rin iyon sapat para sa kaniya. Tama ang mga narinig ko tungkol sa kaniya. Wala siyang siniseryosong babae. Lahat sa kaniya puro laro na kapag nagsawa, game over na. Ang sakit pala makitang may kahalikang iba ang taong mahal mo. Parang hinihiwa ang puso ko. Mas masakit pa no'ng nalaman kong hindi si mommy ang tunay kong ina. Ang sakit. Parang guguho ang mundo ko anumang oras. Para akong matutumba kaya napakapit ako sa glass door ng restaurant. Nakatingin lang ako sa kanila. Nakatulala. Nang makabawi ako, hinawakan ko ang tiyan ko at

