Chapter 50 ISABELLA'S POV Parang may tumarak na punyal sa dibdib ko nang makita ko ang dalawang taong mahalaga sa akin. Naroon sila sa mesa kasama ang lalaking bumati sa amin ni Raine kanina. Nakaupo sila ilang metro ang layo mula sa mesa namin. Kahit na nakamaskara, nakikilala ko pa rin sila. Kabisado ko pa rin ang hugis ng kanilang baba maging ang kanilang mga braso't kamay at ang kanilang mga dibdib na ilang beses kong naging sandalan sa tuwing umiiyak ako. Gustong-gusto ko ng lumapit para yakapin sila ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong makatawag ng pansin. Malamang walang alam ang mga tao dito kung ano ang koneksiyon ko sa dalawang taong iyon. Bumalik ang paningin ko sa stage kung saan naroon si Raine. Di pa rin siya tapos magbigay ng speech. Di ko na rin maunawaan a

