Chapter 49 ISABELLA'S POV Biyernes na ng umaga pero naalala ko pa rin ang mga pinag-usapan namin ni daddy. Hanggang ngayon gumugulo pa rin 'yon sa isip ko. Narito ako ngayon sa veranda. Nakaupo ako habang nakatanaw sa kawalan. "Naglalakbay na naman ang isip mo." Narinig ko ang boses ni Raine. Hinaplos niya ang balikat ko at tumabi sa akin. "I told you, bawas-bawasan mo ang pag-iisip. Makakasama 'yan sa bata." Napatingin ako sa kaniya. Nakatulala lang ako. Wala akong maisip na itanong o sabihin sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko. "Something's wrong? You can tell me." "N-nothing," nauutal kong sagot. "Hindi ka ba papasok sa office?" Umiling siya. "May gusto akong ipakita sa 'yo. Come on." Niyaya niya akong pumasok sa loob. Pagpasok namin sa kwarto, nakita ko ang isang maliit

