Chapter 48 ISABELLA'S POV Madilim-dilim pa bumangon na ako. Iniwan ko si Raine sa kama na naghihilik pa. Dumiretso na ako sa banyo dahil nararamdaman kong nasusuka na naman ako. Matapos mag-toothbrush, nagpalit ako ng kulay blue na two-piece bikini at dumiretso na ako sa pool. Feel ko magbabad ngayon sa tubig. Ilang minuto rin akong lumalangoy nang dumating si yaya. Nilapag niya ang dalang tray sa mesang naroroon. "Iha, umahon ka muna at mag-almusal." "Opo, yaya." "Iiwan ko na ito rito at may niluluto ako sa kusina." Pumasok na si yaya ngunit dahil naaliw ako sa paglalangoy, di muna ako umahon. Nagpatuloy ako sa paglalangoy. Nakapikit ako habang nagfo-floating nang may maramdaman akong tila may nagmamasid sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Raine sa gilid ng p

