Chapter 1
Ai
Isang araw nanaman ang lumipas ngunit ang sakit, pait, pagod at takot ay di padin nawawala.
Ilang taon na ba ang nagdaan nang una ko tong maramdaman ?
Napasandal ako sa pader sa tabi ng aking hinihigaan at nag isip ngunit makalipas ang isang minutong pag iisip ako ay di ko padin masagot ang pinagmulan ng aking pinagdadaanan basta ang napakalinaw lang saaken ang nararamdaman kong sakit at walang katapusang kalungkutan.
Pinunasan ko ang natitirang luha na umapaw saking magkabilang pisngi gamit ang magkabila kong palad, pagkatapos ay nabaling ang atensyon ko sa kaliwa kong bisig ,hinawi ko ng dahan
-dahan
gamit ang kanan kong kamay upang damahin ang matatagal na peklat at ang pahabang bagong marka ng sugat na kagagawan ko galing sa aking pulso
"Ang sakit " bulong ko
"I won't go away and won't say never"
Banggit ng lalaki habang nakangiti ng napaka taos puso habang nakahawak sa magkabilaan kong kamay.
Napangiti ako ng mapait habang inaalala ang aking panaginip,
sinusubukan ng taong yun na pagaanin ang bigat ng aking nararamdaman at nagtagumpay naman sya kahit papaano. ngunit hindi ko maunawaan kung bakit sya ang laging laman ng aking panaginip? at sa pagkakatanda ko ay di ko pa naman sya nakikita sa buong buhay ko,
ibinaba ko ang tela ng aking longsleeve ,napapikit at napahawak saking dibdib.
Heto nanaman yung kasiyahan na nadarama ko , hindi ko maunawaan bat nakakaramdam ako ng emosyon na di naayon sa aking nararanasan ngayon.
________________________________________________________________________________
Andito lang ako sa dulong gilid ng silid aralan , nakaupo kung saan katabi ko ang bintana habang hinihintay ang aming guro para sa subject nitong umaga, habang ang ibang kaklase ko naman ay kanya kanyang nag uumpukan at nag kwekwentuhan tungkol sa kanilang mga nais .
Hindi ako yung tipong palakaibigan dahil nadin sa naranasan ko noon pero ito din ang madalas na dahilan kaya ako'y mapagtripan ,mapuna at minsan ay tampulan ng katatawanan.
Kinuha ko galing sa bulsa ng pang itaas kong uniform ang cellphone ko ng maramdaman ko ang pag vibrate nito
From: Mara
Girl, Andyan na ba si Ma'am?
Si Mara ang natatanging kaibigan ko dito sa eskwelahan, sya lang ang natatanging di lumayo saaken at totoong kaibigan ang turing saaken .. hindi tulad ng iba kong nakikilala na makikipag usap o makikipag kaibigan pagkatapos aabusuhin ang pinapakita kong kabaitan sa kanila pagkatapos ay
pupunahin ako at ipagkakalat sa iba ang mga kwentong masasabi ko na may dagdag pagnatapos na nila ang mga kailangan nila saaken,
Si Mara magkabaliktad kami , sya yung pala kaibigan ,madaldal at sa madaling salita gusto sya ng lahat
Nireplayan ko sya
To: Mara
Wala pa si Ma'am ... Saan kana?
Nakaramdam ako na mukhang may nakatitig saken kaya napalingon ako saking harapan at pansin ko na ang isang grupo ng kababaihan ay nakatingin saken , makalipas ang ilang saglit na bulungan ay nagtawanan sila, sanay na ako ngunit may nararamdaman padin ako kahit papaanong kirot.
"Huy..mahahalata nya , ano ba kayo"
rinig ko ang sambit ni Kristel
binaling ko nalang ang tingin kong muli sa may cellphone ko
From : Mara
Lapit na ako School Girl ... I hope wala pa si Ma'am ,
--
To : Mara
Okay , wala padin si Ma'am
Kinuha ko yung earphone ko mula sa bulsa ng knapsack ko , gi plug sa phone at isinuot sa magkabilaang tenga at sinadyang piliin ang shuffle at na play ang isa sa mga uplifting / inspirational songs na naka save sa cellphone ko.
When do stars fade their light?
Does the moon and the sun make it right
For you the world maybe
Like an endless storm chasing a mystery
Is there hate in your heart?
Does your body drop and tell you to stop
Loving you or loving me
When it all falls down you just sing with me
Coz there?s a blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow shining and shimmering
A blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow
Maybe it?s all we need
sa totoo lang ay wala nang epekto ang mga kantang ito saaken , napapaisip ako kung malala na ba ako?
"I won't go away and won't say never"
narinig ko nanaman mula sa'king isipan ang boses ng lalaki ,kasabay nun ang pagka alala ko ng kanyang mukha lalo na ang kanyang mga mata.
Binuklat ko ang notebook ko ,hinawakan ang black ballpen ko at sinimulan ng idrawing ang mata ng lalaki mula saking panaginip.
Napangiti ako sa kinalabasan ng aking ginawa
"Girl, kaninong mata yan?" Napatingin ako sa nagsalita , kahit may suot akong ear phone ay naririnig ko padin sya dahil nadin mahina lang yung volume ng music mula saking cellphone .
"Wala lang to " kita kong ngiting ngiti sya bago sya umupo sa tabi ko , alam na alam ko ang ngiting yan , pipilitin nya akong umamin kung sino ito.
"Wala daw..baka naman mata yan ng crush mo Girl..sino yan ?
Sabihin mo na girl" ilang beses na paniniko nya sa braso ko ng mahina habang nakangisi
Magsasalita sana ako nang bigla namin marinig ang boses ang aming professor.
________________________________________________________________________________
"Girl, haay ang init! " reklamo ni Mara habang pinapahid ng panyo ang kanyang pawis na tumutulo mula sa kanyang noo.
naglalakad kami ngayon sa loob ng campus papunta sa may cafeteria para kumain na nang lunch
"Girl , alam moba bilib ako sayo ..ang init init pero ikaw nakasuot pa ng jacket tapos mukhang di pa naiinitan "
"Sanayan lang yan " sambit ko at napangiti
"Ay ,sana all Sanay " at yakap nya sa kanan kong braso
Ako yung tipong di magsusuot ng short sleeve sa labas ng bahay dahil nadin sa tinatago kong mga pilat at sugat , gusto ko man sakanya sabihin ang sikreto ko ay di ko magawa dahil natatakot ako.
"Girl "tawag nya
"Hmm?"sambit ko
"Girl ,lapit na yung Socialization ..di katalaga sasali?" tingin nya saken,
Iling lang ang sagot ko sa kanya
"Awwts bakit naman?
final sem nanaten to sa college tapos di kapadin aattend"
naka pout sya ngayon pero nagpatuloy padin sya sa pagsasalita
"Sige na sumali kana , malulungkot ako doon ..wala akong kasama" malungkot nyang banggit
"Sorry...marami kasi akong gagawin " ang totoo wala akong mahalagang gagawin sa araw na yun , di ko lang gusto makihalubilo.
Pagdating namen sa Cafeteria ay inaasahan ko na madaming customers pero di ko inaasahan na puno
"Luh! daming tao ..sus gutom na ako " simangot nya
"Sa labas nalang tayo " suggest ko sa kanya
"Sureness Girl ,di na kaya ng tyan ko patagalin tong gutom ko...kaunti lang kinain ko kanina sa bahay " reklamo nya
Di mainam sa labas kumain pag nagtitipid pero mas pipiliin namen sa may labasan dahil di tulad sa loob ng campus ay kaunti lang ang kumakain sa mga kainan sa labasan, pag dating namen sa isang carenderia na di naman masyadong kalayuan sa may eskwelahan ay mas pinili ni Mara na maupo nalang ako dahil daw baka may mang agaw daw sa pwesto namen kasi ito daw yung the best spot dito ayon sa kanya.
Napatingin ako sa may kalsada kung saan may mga dumadaan na mga tao at sasakyan , biglang pumasok sa isipan ko ang isang imahinasyon na kung saan ako'y naglalakad at biglaang nabangga ng isang sasakyan at malagutan ng hininga,
Kung tutuusin ay gusto kong mangyari ang bagay na yan saaken para matapos na itong walang silbi kong buhay.
"Girl , huy ayos kalang?" Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Mara
"Ayos lang ako " ang totoo nyan ay hindi ako ayos , matagal na akong di ayos at hindi na ata ako maaayos, naalala ko nanaman yung mga sinabi saken ng mga ibang kaibigan ko at ng sariki kong pamilya ko nung nag opened up ako sa kanila.
"Sono subete wa anata no atama no naka dakedesu"
( It's just all in your head )
"Anata wa amarini mo gekitekidesu!"
(You're just too dramatic!)
"Gekiteki sugiru!, Sorehandesuka?....Chui o harau koto"
(Too drama!, whats that ? so they pay you more attention)
(AN: wag nyo ako awayin kung mali ..sa google translate ko lang ito kinuha )
"Tulaley ka nanaman "
ngiti lang ang sagot ko sa kanya
umupo na sya sa tapat ko na available na bangko ,
ilang saglit lang ay may lumapit na babae at inilapag sa lamesa namen ang order ni Mara na Chicken curry , sinabawang isda , dalawang rice at softdrinks.
"Ay Girl free ka this 28?"
"Bakit?" Tanong ko
"Kailangan ni Kuya Marco ng photographer para sa isang music festival sa kapitolyo ...pero di naman sya kalakihan kaya di tayo mahihirapan "
Sasagot sana ako kaso nagsalita syang muli
"Sige na Girl ...go kana, sayang malaki bayad"
"pag isipan ko muna"
hinawakan nya yung dalawa kong kamay at mukhang nagmamakaawa
"Sige na ,please ..sunday naman yun "
napasigh ako bago magsalita
"ou ,sige na"
bumalik ang ngiti nya
______________________________________________________________________________
Taka
"I know that I'm trying...But it feels like I'm in hell" banggit ng babae habang umiiyak
niyapos ko sya, ang wasak na babae habang lumuluha nadin , ramdam ko ang sobrang sakit na nararamdaman nya , ganito din yung nararamdaman ko noon pero naayos ko ang sarili ko.
gusto ko syang matulungan ..kasi pag mapatagal pa syang ganito alam ko kung saan ito mapupunta.
Nang humupa na ang aming mga luha ay hinawakan ko ang kanyang mga kamay at ngumiti
"I won't go away and won't say never"
________________________________________________________________________________
Nagising ako sa lakas nang paghampas ng unan saking ulo
"Pre.. Gising"
"Kuso!" pagalit kong sambit habang papaupo sa higaan ko
"Pre umiiyak ka ..anong napanaginipan mo?" curious syana may halong pag aalala
Nawala ang galit ko nang maramdaman ko ang nag uumapaw na kalungkutan katulad sa'king panaginip
"Kono kuso kan"bulong ko
Heto nanaman ang pakiramdam na to ,
Bumalik ako sa realidad ng maramdaman na may yumapos sa magkabila kong pisngi.
"Pre bat?" Automatic na gumalaw ang kanan kong paa papunta sa kanyang sikmura ,pagkatama sa kanyang tyan ay agad syang dumaing
"Putek!, pre bat ka ganyan?" Hawak nya sa tyan nya
"Gago ..wag mo nga hawakan mukha ko " kumuha ako ng unan para ibato to sa kanya
"Gising naba si Taka?" Napahinto kami at napaharap sa may pinto ng marinig namin yung boses ng lalaki na nakatayo sa may pintuan ng aking kwarto.
"Ano nanaman to?" Tanong niya habang hawak hawak pa ang door knob
Tumayo si Kyo ,lumapit kay Kyle at tinuro ako ,alam ko na magsusumbong nanaman to ....ang laki-laki na sumbungero padin.
"Worried lang naman ako kasi umiiyak tapos naninipa yung pet " sabay hawak sa sikmura
" Konoyarou...anong Pet?" bumalik ang pag ka asar ko dahil ng sinabi nyang pet tyaka naka dilat pa
"Di kapa nasanay Emo yan si Taka" tingin ni Kyle saken bago sya humarap ulet kay Kyo "magsikain na tayo "
biglang nawala ang mapang asar na ngisi ni Kyo ng marinig nya ang sinabi ni Kyle
"Putek! baka ubusan ako ng ulam ng PG "sabay takbo nya papalabasng kwarto ko
"ano bayan , pareho lang naman silang Pg" ngisi ko
"Kain na Taka" alok ni Kyle bago lumabas sa kwarto ko
Paglakad ko sa may pintuan ay agad kong napansin ang pahabang pulang marka sa may wrist ko , dinama ko ang marka gamit ang palad ko at nung nakaramdam ng sakit ,napa sigh ako
"Heto nanaman ang mga weird na marka"
matagal na akong nagkakaron ng markang di ko maunawaan ang pinanggalingan pero makalipas ang ilang araw o linggo ay nawawala nalang ito bigla, lumabas na ako sa may kwarto at dumiretso sa may kusina kung saan andun ang mga kagrupo ko sa banda , kita ko na sarap na sarap sa kinakain sina Kyo at Ralph.
Parang wala ng bukas ang mga to oh,
Pero di ko sila masisisi kasi na diet kami nung nakaraan dahil madalang lang ang gig namen buti naka survive pa kami nun.
Ng malaman nga ng dalawang kumag na to (Kyo & Ralph) na regular na kami tutugtog sa may music restaurant dun sa kabilang barangay ay mangiyak ngiyak ang dalawa sa saya
Tiningnan ko yung mangkok ng ulam napasimangot ako ng ma
Kita ko na absent na yung manok sa nilutong adobo ni Kyle ,..ganyan talaga napapala pag late na magising ,
paano ba naman inabot na ako ng madaling araw kakalaro sa cellphone ko kagabi ang ganda kasi ng laro ng mga kasama ko sa rank ang gagaling.
Tumabi ako kay Kyle kasi naman di na ako kasya pag tumabi pa ako sa dalawa tyaka ayaw ko silang katabi kasi parang bungi kung kumain ..makalat
"Hinay Hinay lang..walang aagaw ng pagkain nyo" banggit ni Kyle
"Mehon shi Harlph" banggit ni Kyo habang puno pa ang bunganga ,
Kahit kailan wala talagang manners itong nilalang na to.
"Sana mabulunan ka Kyo" banggit ni Ralph at uminom ng tubig mula sa baso
sakto naman pagbanggit ni Ralph nun ay nabulunan si Kyo
________________________________________________________________________________
"Wala na kayong nalimutan?" Tanong ni Kyle bago nya hinithit yung Yosing hawak nya.
"Wala na Boss " sambit ng dalawa
"sa harapan ako uupo !" Sabay takbo ni Ralph habang may hawak na cajon
"Hoy ako doon " takbo din ni Kyo habang bitbit ang acoustic guitar
at ako di papahuli kaya napatakbo nadin.
Puro acoustic cover lang tinutugtog namen ngayon sa isang music restaurant ,matagal tagal na nga akong di umiiscream. Sana sa music festival ay magawa ko yun dahil kating kati na lalamunan ko sa rock music.
Dun sa likod magkatabing nakaupo yung dalawa na mukhang sasayad na ang nguso sa floorpan ng kotse
Paano ba naman naunahan ko yung dalawa sa takbuhan kahit medyo maliit ang biyas ko ,
"Better luck next time mga Brad" sabay ngisi ko ng mapang asar
Dirty finger naman ang sagot ni Ralph at si kyo naman
"Pinagbigyan lang kita Pre " ng nakasimangot.
tumalikod nalang ako habang nakangiti , di pwede istorbohin si Kyle dahil mukhang bad mood sya ngayon kaya inilabas ko yung earphone at pinasak sa cellphone yung dulong bahagi at sa tenga yung dalawang earphone sa taas upang makinig ng music,
pinindot ko gamit ang kanan kong hinalalaki ang music na gusto kong pakinggan.
This world will never be
What I expected
And if I don't belong
Who would have guessed it
I will not leave alone
Everything that I own
To make you feel like it's not too late
It's never too late
agad sumagi sa isip ko ang imahe ng babae mula saaking panaginip , naaalala ko sya sa mga kantang ganito
Even if I say
It'll be alright
Still I hear you say
You want to end your life
Now and again, we try
To just stay alive
Maybe we'll turn it all around
'Cause it's not too late
It's never too late
di ko maunawaan pero gusto ko syang i guhit ngayon, saktong nasa knapsack ko ang ballpen at notebook na nakakapaloob ang mga lyrics nasulat ko,
medyo mahaba pa ang byahe namen dahil traffic kaya okay lang na gumuhit pampalipas oras na din.
kinuha ko sa loob ng bag ang notebook at black ballpen na pag aari ko at sinimula na buklatin ang notebook at huminto sa malinis na pahina at sinimula na iguhit ang babae,
ilang minutong pag guhit ay natapos ko na sya iguhit, pinili kong iguhit ang mukha nyang may tumutulong luha.
napa isip ako kung totoo ba ang nilalang na to ?
kung makikita ko ba sya sa realidad?
kung sa realidad ba ay may pinagdadaanan sya?
at ano ba ang pangalan nya?
ito ang mga tanong na gumugulo sa aking aking isipan ngayon
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TBC.
sana nagustuhan nyo beshies :-)
------
Open po ako sa suggestions and reviews
If like nyo po vote nyo na.
See yah sa next update ..lab yah
Milkitta_Platuna (◍•ᴗ•◍)❤