Pagka-uwi sa bahay, dumiretso na ako sa kuwarto 'ko at nahiga sa kama. Araw-araw na lang ako pagod kahit wala namang masyadong ginagawa. Lalo na ngayon, tumambay lang naman kami buong mag-hapon kina Kaia pero napagod ulit ako. Hindi nagtagal, naka-dlip na rin ako.
Nagising na lamang ako dahil sa malakas na kulog at kidlat, ngayon palang pala dadating yung bagyo. Kinuha 'ko ang cellphone to check the time, and it's 1 in the morning. Ang haba rin ng nai-tulog 'ko ah?
Chineck 'ko ang messages 'ko dahil baka may announcements at meron nga. Nag-chat ang adviser namin sa groupchat namin na walang pasok bukas dahil sa bagyo. Sinabi niya rin na wag daw kaming gumawa ng kababalaghan lalo na't malamig ang panahon. Nako, Ma'am! Maasahan niyo po ako dyan! Kasi wala naman akong jowa... So wala akong ka-ano... Nevermind.
"Buti na lang walang pasok! Makakanood ako ng K-drama, yes!" tuwang tuwang saad 'ko at binuksan ang gc naming magkakaibigan dahil panigurado may kalokohan nanaman 'yung mga 'yon.
Public hair
pinakapogi, pinakamatalinong lalaki sa grupong 'to (Bryce): Mga pre, walang pasok. Anong balak natin dyan?
pogi (Siri): ang lakas talaga ng ulan, pumirmi ka dyan
bura(o)t (Zach): deserve
pinakapogi, pinakamatalinong lalaki sa grupong 'to (Bryce): sana maging single kayo forever
Ang sama naman ng ugali ni Bryce! Below the belt na 'yon ah? Bakit naman kailangan idamay yung mga love life nila? Oo nila, kasi wala ako non! Pag ako hindi nagka-jowa, si Bryce talaga sisisihin 'ko!
lakambaboy (Kendra): yawa ka, kumatok ka sa kahoy. Pag yan nagkatotoo, hindi kita tatantanan
pinakapogi, pinakamatalinong lalaki sa grupong 'to (Bryce): anong katok katok? walang ganon dito.
Kendra removed Bryce in the group
Napahagalpak ako ng tawa nang i-remove ni Kendra si Bryce sa group chat. Ang lakas talaga ng tama ng dalawang 'to, pag sila nagkatuluyan, talaga naman.
lakambaboy (Kendra): walang magbabalik sa timawang yan sa group na'to
At wala ngang nagbalik kay Bryce sa gc. Matapos basahin ang gc namin, naalala 'kong may sinasabing app si Kendra na cruelty-free, ay este, harm-free naman daw. Ano nga ulit 'yon?
Ah, Treind!
Tiningnan 'ko ang app na 'yon sa app store at i-dinownload. Color yellow siya with a smile. I clicked the sign-up button since I'm new to this. I just filled up the form like name, birthday and gender, it's harmless naman. Siguro? Pag harmful siya, delete 'ko na lang po account 'ko huhuhu.
For my pictures, I just used my own picture. Ayokong gumamit ng ibang mukha ng tao no! Baka mamaya ma-inlove sa'kin yung makaka-chat 'ko tapos gusto niya makipag-meet up. Mahirap magpatubo ng ibang mukha no! Miski magic ata hindi kaya. I just made a username and password, used my cellphone number and my account is created. I checked my messages and chatted Kendra dahil hindi pa ako maalam gumamit nito.
Since I cannot sleep, I decided to explore the app. It's not complicated naman.
I went to the swipe section that will help you find friends. I'm glad that they're all around my age. Harmless nga siya! You just need to swipe to the left if ayaw mo, then right swipe if you want to talk to them.
Since I want to make friends muna before lover, emz! I'm finding a girl na pwede 'kong makausap. I just swiped it all to the left, until a girl named Ashley appeared. She's the same age as mine, 16, and she's pretty! It's also indicated that she loves kpop and reading books! We can be besties since parehas kami ng hilig!
I quickly swipe it to the right and gladly, she also did the same! Agad 'ko siyang chinat.
@elliexxss : hello!
And I sent it, kinakabahan ako dahil baka ma-weirduhan siya sa'kin dahil kaka-like niya lang sa'kin, nag-chat na agad ako. My nervousness popped when she replied to me.
@ashleydexplorer : hi! nice to meet you!
Agad 'ko siyang nireplyan.
@elliexxss : i'm just new here eh. nice to meet you! i'm ellie:>
@ashleydexplorer : hello, ellie! i'm ashley, how are you?
Mabait si Ashley at naging tuloy-tuloy ang usapan namin dahil parehas kaming madaldal at marami kaming alike hobbies like being a kpop fan, struggles being a HUMSS Student. At nalaman 'ko ring sa Ateneo siya nag-aaral! Kaya pala englishera siya.
@ashleydexplorer : anyways, els. i need to sleep na :
@elliexxss : aw :
@ashleydexplorer : wag papa-late ng tulog ha? love u!
Natawa naman ako dahil todo sabi siya sa'kin na 'wag late matulog e siya yung late natutulog. Hindi 'ko na siya nireplyan dahil panigurado hindi matatapos ang good night namin sa isa't isa. Gaya ng sabi 'ko, nag-isang episode lang ako ng k-drama at nakatulog na rin ako.
Mabilis na nagdaan ang mga araw, hindi 'ko namalayan February na pala. Naging busy kasi ako dahil sa school works lalo na't nasa 2nd semester na kami. Magka-usap pa rin kami ni Ashley sa Treind at nagbabalak mag-meet up kahit ang layo ng Laguna sa Maynila. Hindi 'ko rin namalayan na malapit na pala birthday 'ko. Malapit na birthday 'ko pero wala pa rin ako jowa...
Habang nagkaklase si Sir Gomez, my statistics teacher, someone knocked on our door and opened it, revealing Margaret, my co-officer sa student council.
"Good afternoon, Sir. May I excuse Ms. Valencia po? Student Council meeting lang po," paalam sa'kin ni Marga, and Sir Gomez nodded. Kinuha 'ko lang ang cellphone at wallet 'ko at nag-thank you kay Sir Gomez 'tsaka sumunod kay Marga palabas.
"Nako! Buti na lang maaga ang meeting, hindi 'ko magets yung turo ni Sir Gomez," reklamo 'ko kay Marga habang papunta kami sa kabilang strand para i-excuse ang iba pang officer.
"Buti kamo kasi si Sir Cabrera teacher namin, 'te, alam mo naman klase non. Kulang lagi 2 hours," reklamo rin niya bago kumatok sa section nina Siri para i-excuse si Kendra dahil katuald 'ko, officer din siya ng Student Council.
Paglabas ni Kendra, nagulat kami dahil dala dala niya na ang bag niya. Tiningnan na lang namin siya at binalik niya naman ang tingin sa'min, at itinaas ang kilay.
"Bakit kayo nakatingin?" tanong niya.
"Dala mo agad bag mo? Mabilis na meeting lang naman daw tayo sabi ni Kuya Howard," sambit ni Marga.
"So? Para hindi na ako babalik sa classroom pag natagalan," Kendra explained which I don't think makes any sense. Eh paano kapag saglit lang pala ang meeting? Edi dala dala niya bag niya pagbalik sa classroom?
"Ay, bahala ka dyan. Bilisan niyo na, baka tayo na lang hinihintay don," I said at 'tsaka nanguna mag-lakad. Baka Vice President 'to. Pagdating namin doon, kami na nga lang ang hinihintay. Nauna na kasi rito ang iba naming ka-officer din dahil may dadaanan daw sila bago pumunta sa room.
"So, kumpleto na ang lahat. Let's start our meeting," pangunguna ni Kuya Howard kaya naman inilabas na ni Mara, our secretary, her paper and pen para i-sulat ang pag-memeetingan namin.
"Our agenda for today will be for the Foundation Day on February 14," Kuya Howard stated. "It's our last big event this school year kaya kailangan natin maayos ito," he added.
Naging maganda ang flow ng aming meeting kaya naman napa-aga ang dismissal ng meeting. Bigong bigo naman si Kendra dahil akala niya matatagalan pa ang meeting at hindi niya na kailangan umattend ng 2 periods pa niya.
"Ang po-productive niyo kasi ngayon!" sisi niya sa'min pero tinawanan na lang namin siya nina Marga at Mara 'tsaka hinila papuntang Cafeteria para kumain ng miryenda. Pinayagan naman kami ni Kuya Howard dahil panigurado raw napagod ang utak namin kaka-isip ng maaaring maging booth ng bawat strand and section para maiwasan ang gulo at gawain nila.
Maraming vacant na upuan dahil hapon palang naman at halos lahat ng estudyante may klase pa kaya sabay sabay na kaming bumili ng gusto naming kainin at umupo na kung saan namin mapag-tripan.
"Wag na kaya tayong bumalik sa room?" agad na saad ni Kendra kaya hinila 'ko ang buhok niya. Puro kalokohan talaga iniisip nito.
"May 2 periods ka pa, kay Sir Cabrera 'yon, alam mong mainit mata 'non sa'yo," I explained to her dahil baka ibagsak siya ni Cabrera, mahilig pa naman 'yon mag-bagsak.
"'Yun na nga eh! Si Sir Cabrera yung teacher kaya ayoko nang pumasok huhuhu!" ungot ni Kendra sabay subo sa French Fries na binili niya.
"Pumasok ka na teh, madali lang naman lesson eh," pampa-lubag loob sa kanya ni Mara dahil parehas silang STEM samantalang si Marga ay taga-ABM at ako syempre, HUMSS.
Kinuha 'ko ang cellphone 'ko at binuksan ang Treind at nag-swipe swipe roon. Hindi pa kasi online si Ashley dahil panigurado nasa klase pa siya. Patuloy lang ako nags-swipe to the left nang mahagip ng mata 'ko ang sumunod na inilabas.
Sovann Zamora, University of the Philippines, 18, BS in Biology
Muntik 'ko nang maibuga ang iniinom 'kong frappe sa mukha ni Kendra nang makita 'ko ang itsura ng lalaking may pangalan ng Sovann. Sa tingin 'ko isa 'tong stolen shot dahil ang picture niya ay nasa 7/11 at namimili ng mga canned softdrinks doon. Side profile lang ang kita pero kitang kita ang matangos niyang ilong at makapal niyang pilik mata at kilay.
In some ways, he looked familiar. Parang nakita ko na siya somewhere but I don't know where.
I swiped again to see one more photo of him, He's in a white robe for the doctors with a stethoscope while looking seriously at the camera like he don't like to take a picture at all. Suplado ng mukha, nakakarupok!
"Sino 'yan?" I almost dropped my phone nang may may nagsalita sa gilid 'ko. "Ay teh, gulat na gulat? May tinatago ka ba?" she asked.
"Wala," I said and hid my phone. Bakit 'ko ba tinatago sa kanya e sa kanya 'ko nga nalaman yung app?
"Damot naman neto. tingin lang eh!" pag-tatampo ni Kendra at sumubo ulit ng fries. Tama 'yan, kumain ka na lang ng fries. At dahil nga mapaglaro ang tadhana at kadamutan 'kong ipakita kay Kendra, nakita 'kong iba na ang nasa swipe 'ko. Siguro I accidentally swipe it to the left habang inilalayo kay Kendra. Napasimangot ako dahil sayang naman! Na-karma ako! Pwede 'ko pa kaya 'yon maibalik? Huhuhu.
Matapos naming ubusin ang miryenda, bumalik na kami sa mga classroom namin. Pagdating 'ko sa room, walang teacher sa unahan at nakikipagdaldalan lang ang mga kaklase 'ko. Lumapit ako kina Gaille at Rigel na nasa sulok. Natutulog ulit si Gaille samantalang nakatulala lang si Rigel.
"Boo!"
"Ay putangina!" sigaw niya kaya napatingin sa'min ang mga kaklase namin pero muling bumalik sa mga ginagawa nila. Sanay naman na sila marinig ang mura niya, so...
"Ina mo, napa-mura tuloy ako, nagbabagong buhay na ako e," sambit niya at sinamaan ako ng tingin. Tinawanan 'ko na lang siya at umupo sa tabi niya.
"Wala tayong klase?" tanong 'ko at nilabas ang earphones at cellphone 'ko para magpatugtog.
"Obvious ba?" pambabara niya, halata namang dahil ginulat 'ko siya kanina.
"Sungit naman neto, kaya wala kang jowa e," sagot 'ko at inilagay na ang earphones sa tenga 'ko at naghanap ng pwede 'kong patugtugin.
"Hindi mo sure," sagot niya at nag-type sa cellphone niya.
"Ay wow? Naka-move on ka na sa'kin?" pang-aasar 'ko sa kanya. He had a crush on me kasi on our 1st semester, although I didn't actually rejected him, he knew na I only see him as my friend kaya naman we stayed as friends at tingnan mo ngayon! May ka-talking stage na siya.
"Hindi 'ko alam kung bakit kita nagustuhan, napaka-sama ng ugali mo," sambit niya na may pandidiri. Sama naman ng ugali nito! Buti na lang hindi 'ko pinatulan dati.
"Buti nga hindi kita kina-rushback eh! Ang asim mo kaya!" sagot 'ko dahil hindi ako papayag na inaapi api lang ako. Hindi ako pinalaki ng magulang 'ko para maliitin, although maliit naman talaga ako....
"Nye, nye, nye..."
Ang mature grabe!
Inirapan 'ko na lang siya at hindi na pinansin. I just scroll on my Spot and Listen at naghanap ng pwedeng patugtugin.
Playing: All too well by Taylor Swift
I clicked the play button at hiniga ang ulo sa desk 'ko para matulog.
-----------------------------------------------------