CHAPTER 41 “Happy new year!” Tuwang-tuwa silang magkakaibigan nang magkita-kita uli sila sa opisina. Napansin din ni Gio ang pagbabago ng ilan sa mga ito. Si Julie bago ang suot na salamin sa mata. Si Vida, bago ang kulay ng buhok na medyo mamula-mula at. Si Simon naman ay medyo nagkalaman at nagpatubo ng balbas. Mas humaba na rin ang buhok nito kaya naka-man bun. “Sino’ng mga nagpaputok at naputukan?” tatawa-tawang tanong ni Dexter. “Bagong taon na bagong taon, kabastusan agad ang lumabas d’yan sa bibig mo Dexter,” sita ni Julie na inayos pa ang suot na salamin. “Bakit namumula ka Gio?” puna ni Vida. “H-ha? Hindi ah,” sabi niya sabay upo sa harap ng computer at binuksan ito. Kaninang umaga lang kasi bago sila pumasok ni Leon ay nagtalik silang dalawa at siya ang naputukan ni Leon. N

