CHAPTER 65 “Hon, maiwan ko muna kayo ni Mommy ha? Bibili lang ako ng meryenda natin,” sabi ni Leon sa kanya pagkagaling nito sa loob ng bahay para kunin ang wallet sa kwarto. Nasa bahay siya nito at nasa terrace sila kasama ng mommy ni Leon. “Dear, ‘yung vanilla latte ko ha, don’t forget and your uncle want some apple pie. If may makita ka, please buy two slices for him.” “Okay po.” Hinawakan siya ni Leon sa balikat habang nakatayo ito sa likuran niya habang nakaupo naman siya sa bakal na upuan sa terrace nina Leon. “Ikaw, hon? Ano’ng gusto mo?” Hiyang-hiya si Gio sa mommy ni Leon. Hindi pa rin siya sanay na may ibang makarinig na tawagin siyang hon nito maliban kay Lulu. Napangiti naman ang mommy ni Leon habang nakatingin sa kanila. Tumingala siya para tingnan ang nobyo. “I-ikaw na la

