CHAPTER 66 Patakbong pumasok ng theme park si Gio habang nakasunod sa kanya at naglalakad lang ang natatawang si Leon. Humarap siya kay Leon habang paatras na naglalakad. “Bilis Leon! Para makarami tayo ng rides!” sigaw niya sa nobyo. Umikot siya at patakbo uli na naglakad. Humabol naman si Leon sa kanya at saka umakbay. Napatingin siya kay Leon at napangiti. Humawak siya sa tagiliran nito at sabay silang tumakbo. Pareho silang nakatayo at nakatingala sa mataas na tower sa harapan nila. Bahagya pa siyang nakanganga kaya hinawakan ni Leon ang baba niya para matikom ang bibig niya. Napahawak siya sa braso ni Leon. “Kaya ba natin ‘to?” Ipinaling niya ang mukha niya sa kanan para humarap sa nobyo. “Kaya mo ba? Parang ayaw ko na ata. Ang taas,” sabi niya at saka siya tumalikod, pero bago pa s

