CHAPTER 67 Biyernes ng hapon at tapos na ang klase ni Gio. Kasabay niyang naglalakad si Vicky palabas ng school habang naglalakad sa unahan nila sina Lulu at JB. “Gio, may duty ka ba ngayon sa computer shop?” tanong ni Vicky sa kanya. “Meron. Bakit?” tanong niya habang nakatingin sa kaibigan at nakahawak ang magkabilang kamay sa strap ng backpack niya. “Magpapaturo sana ‘ko sa ‘yo. Hindi ko kasi maintindihan ‘yung lesson sa math kanina. Ang gulo mag-explain ni Ma’am.” Lumingon si JB sa kanila. “Hindi naman magulo mag-explain si Ma’am, hindi ka lang nakikinig. Wala ka kasing ginawa kundi magkikil niyang kuko mo.” “Eh ikaw? Kung nakikinig ka kay Ma’am bakit alam mo kung ano’ng ginagawa ko kanina? Kung makapuna ka, feeling honor student. Talino ka?” mataray na sagot ni Vicky. “Dalawa l

