CHAPTER 68 “Mag-iingat kayo ha. Huwag kayong lalangoy sa malalim. Huwag ka ring lalangoy mag-isa. Dapat palaging may kasama ka.” Bilin kay Gio ng kanyang ina dahil magswi-swimming siya kasama ng pamilya ni Leon at ng mga kaibigan niya. “Opo ‘Nay. Huwag po kayong mag-alala, mag-iingat po kami,” sabi niya habang sinasakbit sa balikat ang backpack niya na punong-puno ng mga gamit niya na pilit niyang pinagkasya. “Kumpleto na ba ‘yung mga gamit mo? Brief? Tuwalya? Sipilyo?” “Nay, kumpleto po. Na-check ko na po ‘yung gamit ko. Lahat naman po dala ko.” “May panggastos ka ba?” tanong ng kanyang ama habang palapit sa kanya. Kinuha nito ang wallet sa bulsa at inabutan siya ng pera. “Heto, five hundred. Baka may magustuhan kang bilin.” “Thanks po ‘Tay! Ibibili ko po ‘to ng pasalubong.” “Kahi

