CHAPTER 69 Kanina pa sulyap nang sulyap si Gio sa nobyong si Leon na kanina pa rin tahimik habang nasa byahe sila papunta sa resort sa Batangas kung saan sila magswi-swimming. Hindi niya magawang kausapin ito dahil nasa tabi lang niya si Vicky habang nasa likuran naman nila sina JB at Crystal. Hindi siya mapakali sa upuan niya. Gusto niyang lambingin ang nobyo ngunit maraming nakapaligid sa kanila. Humalukipkip siya at umusog siya palapit kay Leon hanggang sa maabot ng daliri niya ang braso nito. Mabagal niyang itinaas baba ang daliri niya habang diretso lang siyang nakatingin sa harapan. Kita niya sa gilid ng kanyang mata na napatingin sa kanya si Leon kaya tumingin siya rito. Nakita niyang nagpipigil ito ng ngiti kaya pasimple rin siyang nangiti. “Gio, gusto mo?” tanong ni Vicky sa

