CHAPTER 55 “Gio, pormang-porma ka na naman. Saan ang punta mo? Sabado ngayon ah,” puna ng kuya niyang nakaupo sa kama at may binabasa nang pumasok siya sa kwarto nito para manghiram na naman ng gel at pabango. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at maong na pantalon at suot niya ang bagong puting sneakers na pinag-ipunan niya ang pambili. “Kina Lulu. May school project kami,” sagot niya habang nagtataktak ng gel sa palad at saka niya ipinahid sa buhok niya. “School project? Baka naman popormahan mo lang ‘yang kaklase mo na ‘yan.” “Hindi kuya. Tropa ko lang ‘yon,” sabi niya habang sinusuklay at inaayos ang buhok niya. “Kuya, pahiram uli ng pabango ha?” “May magagawa pa ba ‘ko eh nasa harapan mo na.” “Hehe. Thank you kuya!” sabi niya sabay spray ng pabango sa buong katawan. “Naku, ipina

