CHAPTER 54 “Ang sakit na ng braso ko. Wala tayong ginawa kundi pumalo nang pumalo, ‘di naman lumalagpas ‘yung bola sa net. Kapagod pa maghabol ng bola,” reklamo ni Vicky. P.E. class nila at nagpa-practice sila ng volleyball. Sa kabilang court naman naroon sina Leon at naglalaro ng basketball kasama ng mga teammates nito na varsity players ng school. Napatingin si Gio kay Leon na parang kumikinang dahil sa butil-butil na pawis sa katawan. “Lulu, ang tangkad ng kuya mo. Ano’ng height niya?” tanong niya habang nakatingin kay Leon na nasa gitna ng court. Napatingin din si Lulu sa kabilang court kung nasaan ang kuya nito. “Parang 6’2 ata. Hindi ako sure, basta lagpas ng 6.” “Tuli na?” “Parang tanga ‘tong si Gio. Mga tanong mo. Baka pati size gusto mo alamin,” sita ni Vicky sa kanya na

